So, ikaw pala ang nakahanap ng Golden Page. Isang Xiantian Realm Expert sa edad na magpipitong taon, not bad." Sambit ng napakagandang babaeng hindi pa kilala ng batang si Li Xiaolong. Tila ba napakalamyos ng tinig nito na animo'y dinuduyan ka sa ere. Nang marinig ito ng batang si Li Xiaolong ay tila umigting ang panga niya. Not bad? Mukha bang taken for granted lamang ang kaniyang kasalukuyang lebel ng Cultivation sa edad na anim o magpipitong taong gulang siya. "Hmmm... Not bad? To think na ako lang naman ang Xantian Realm Expert sa edad na ito." Sambit ng batang si Li Xiaolong habang confident siya sa kaniyang sinasabi. Tila ba hindi niya maintindihan ang magandang dilag na nakalutang sa ere. "Hahaha... Nagpapatawa ka ba batang engot. Mukha bang nagbibiro ako sa aking sinabi. Kapag n

