“WALA naman sigurong mali kung papakinggan ko ang sinabi n’ya, hindi ba? Tulad ng sabi n’ya sinabi n’ya ‘yon para pag-ingatin tayong pareho,” sabat ko naman na tinawanan n’ya lang. “Sabagay, pero magaling din ‘yong manghuhula na ‘yon. Sabi n’ya ang soulmate mo taga-ibang bansa, hindi naman ako taga-ibang bansa pero parang ganoon na rin ‘yon atsaka tulad ngayon nagtra-travel tayo. May sarili rin akong business at higit sa lahat scorpio ako kaya tama naman siya, ako nga ang soulmate mo,” aniya na mukhang masaya pa. “Pero huwag mong rin kakaligtaan ang sinabi n’ya sa huli, alam n’ya ang tungkol sa sumpa kahit wala naman akong sinabi.” Doon ako kinabahan, doon ako nanlamig. Paano kapag nagkatotoo nga? Paano kung ‘yon nga talaga ang mangyari? “Wala namang nakakaalam ng hinaharap ng kahit na

