“PUTANGINA n’ya talaga! Anong akala n’ya sa kin?! Hindi n’ya alam ang kabang naramdaman ko! Akala ko kung ano ng putanginang lintik na ‘yan ang nangyari sa kan’ya! s**t! Badtrip!” malakas kong ibininalibag ang pintuan ng kotse ni Hendrix at nagsuot ng airpods atsaka pumikit. “Bear! Sorry na! s**t. Darling, I’m sorry,” bulalas n’ya ng makapasok siya sa kotse pero hindi ko siya kinibo. Matapos ng ginawa n’ya sa kin akala n’ya ay papansinin ko siya?! “Pfft! Sorry na. Napag-trip-an lang naman nila na gawin ‘yon para makita ang reaksiyon mo, eh, hindi naman namin alam na iiyak ka. Sorry na, ako na talaga ang humihingi ng sorry on behalf of all of us. Sorry na atsaka salamat na rin kasi ngayon lang kita nakitang ganoon kakabado dahil iniisip mong may nangyari sa kin. Parang sinasabi mo tuloy

