SINILIP ako ni Jelyssa at agad siyang tumingin kay daddy na para bang nagtatanong at humihingi ng confirmation na ako nga ang Ate Bear n’ya. Umupo si daddy sa harapan ni Jelyssa para maging kasing level sila atsaka nito hinaplos ang buhok n’ya. “Hindi ba at matagal mo ng gustong makita at makilala ang Ate Bear mo, anak? Nandito na siya. Si Ate Bear mo na ‘yan,” ani ni daddy sa kan’ya. Natagalan pa noong kumibo si Jelyssa kaya kinabahan ako kasi baka kung ano-ano na ang pinagsasabi sa kan’ya ng bruha n’yang ina tungkol sa kin. Pero mabuti naman at unti-unti n’ya akong tiningala at gumuhit ang ngiti sa mga labi n’ya. “Ate Bear! Nice to meet you po!” matinis n’yang hiyaw bago sa kin yumakap. Hindi pa ako agad naka-react sa ginawa n’ya kaya n’ong magawa ko ng

