“HENDRIX!” madiin kong singhal sa kan’ya matapos ko siyang hilahin paupo para makatago kami sa mga nagtataasang tanim na malapit lang sa min. Nakita ko kasing mukhang napatingin si dad sa gawi naming dalawa. Ang ingay naman kasi nitong kasama ko. “What, darling? Ang dad mo ‘yon! So, bakit hindi pa natin kausapin tutal malapit na kayong dalawa,” sabat naman n’ya sa kin. “Hindi mo ba narinig ang sinabi ko kanina na next time na lang?” inis kong turan habang sinusubukang tignan kung nandoon pa ba sina dad at Jelyssa sa kinatatayuan nila kanina. “Why not now? Nand’yan na siya. Walang Vanessa na kasama, wala ng hahadlang para makapag-usap kayong dalawa ng masinsinan,” anito. Para kaming mga pulis dito na may s-in-urveillance lalo na n

