Third Person's POV Naging makabuluhan ang pagkakatitig ng matandang babae sa kan’yang apo. Nararamdaman na nito kung ano ang nais na pag-usapan nilang tatlo. Ngunit ngumiti pa rin ang matanda habang hinahaplos-haplos ang likod ng kan’yang nag-iisang apo. “Sure, hijo. Why not?” Ngumiti si Hendrix sa kan’yang lola at agad na inilahad ang kan’yang palad upang mas maayos na makatayo si Mrs. Clavel. Kusang nilagay ni Hendrix ang kamay ng kan’yang lola sa kan’yang balikat habang naglalakad sila pareho papasok ng study room ng kan’yang lolo. Palihim namang napapangiti ang kan’yang lola, na-miss din kasi ni Mrs. Clavel kung paano maging sweet sa kanila at maalaga ang apo. Pagbukas ni Hendrix ng pintuan ng study room ay agad na itinaas ni Mr. Clav

