Third Person’s POV “IHATID mo ako pauwi, Sydney,” sambit ni Blaise sa kasama nito habang pareho pa silang nanatili sa lugar kung saan sila unang nagkita at abalang kumakain ng kanilang hapunan. Agad na pinagtaasan ng kilay ni Sydney si Blaise. “Anong ihahatid? Ano ka reyna? Hindi ka naman lumpo at mas lalong hindi naman ikaw ‘yong tipong aalis ng bahay na walang dalang pera. Marunong ka ngang pumunta rito mag-isa mo tapos hindi ka marunong umuwi!” “Supportive ka ano? For sure umalis si Hendrix ng bahay nila para puntahan si Bearlene kaya chance ko na ‘to para magpaawa na naman doon sa matanda. Alam mong matagal ko ng pinaghihirapang makuha ang loob ng lola n’yang ‘yan kaya ngayon na nakuha ko na gagamitin at lulubusin ko na.” “Alam mo, Blais

