AGAD kong itinapon ang sarili ko sa higaan n’ya habang siya ay abalang buksan ang flatscreen tv na nasa loob ng kuwarto n’ya. Lumapit siya sa kin kaya agad n’ya akong hinila papalapit sa kan’ya tapos ay pinatong ang ulo ko sa balikat n’ya habang nagsisimula na akong kumain. “Mga kinakain mo, ha, nakakaba,” untag n’ya kaya agad ko siyang tinignan. “Pinagsasabi mo d’yan?” “Lakas kasi makapaglilihi, baka may bata na d’yan sa tiyan mo, ah? Sabihin mo lang sa kin para makabili na agad ako ng gamit.” “That was a bad joke, Drix,” aniya ko sabay bitaw ko ng hawak kong pritong manok. Inalayo ko sa kin ‘yong plato na may lamang manok atsaka ko binaon ang mukha ko sa balikat n’ya. “Pfft! It was a joke, darling, don’t take it seriously, nag-iingat ako kaya huwag kang mag-alala d’yan,” aniya kaya

