Third Person’s POV “ANG unang libro ito ay naisulat noong 1910 habang si Sinang Marcelo Curion ay nasa dalawampu’t taong gulang pa lamang. Si Sinang ay kilala sa lugar ng San Domingo lalo na dahil sa hindi mapapantayang kagandahan ng mukha, kakinisan ng kan’yang balat at balingkitang katawan. Lagi siyang suki sa iba’t ibang patimpalak lalo na sa pagandahan at sa nagdaang mga panahon ay lagi siyang nanalo na siyang naglagay sa kan’ya sa ruruk ng kasikatan na halos lahat ng mamayan sa San Domingo noon ay kilala na siya at talagang napapalingon sa tuwing siya ay dadaan sa kanilang kalye, ang ina kasi ni Sinang ay naanakan ng isang dayuhang Arabyano kung kaya’t may dugong banyaga ang dalaga. Hindi nauubusan ng manliligaw si Sinang at bawat isa sa kanila ay walang habas din n’yang pinapaasa at

