“NOTHING, Drix, as in wala talaga.” Hindi na siya umimik n’ong sinagot ko ‘yon sa kan’ya kaya nakahinga naman ako ng maluwag. Lumabas ako ng bahay na nakasuot ng isang Paneled Cloqué Bomber Jacket, Ruffled Shirred Cotton Polin Skirt at isang Mondo Mondo Jelly Earring. Tatawagan ko na sana si Hendrix para magpasundo sa kan’ya n’ong bigla namang tumunog ang phone ko at si Sydney ang tumatawag. “Ano naman kaya ang problema ng isang ito?” bulong ko muna sa sarili ko bago ko sagutin ang tawag n’ya. “Sydney?” “b***h! Good morning! Nadiligan ka na kagabi o nadiligan ka kagabi?” dire-diretso n’yang tanong sa kin. “b***h mo mukha mo! Wala si Hendrix sa bahay kagabi kaya tigil-tigilan mo ako sa dilig-dilig na ‘yan! Ano ako h

