KATHRINE Busing busy ako sa pagsasayaw sa gitna ng dance floor ng may humila sa akin, nag pumiglas ako dahil hindi ko naman siya kilala. "Let go of me!" Sigaw ko rito habang hinahampas ko siya. Hindi naman siya nag patinag at mas lalong hinigpitan ang hawak sa braso ko. Ang hapdi na non kaya dumadaing na ako. Dinala naman niya ako sa labas ng bar, saka niya lang ako binitawan ng maipasok niya ako sa kotse niya. "Who the hell are you?!" Hindi ko makita ang mukha niya dahil sa dilim at takip rin ang mukha niya ng mask at sumbrero. Ngunit kumalma rin ako kalaunan. Hindi ko na pala kailangang matakot. "Anong ginagawa mo dito?" Nakuha niya sigurong kilala ko na siya kaya tinanggal na rin niya ang takip sa mukha niya. Sabi ko na nga, hindi ako nagkakamali. Tanda ko amoy ng pabango niya, hin

