Nang matapos ang hapunan ay agad kaming nag pahinga ni Jin, inaantok na raw kasi siya at hindi parin napapawi ang pagod niya sa pag hahanap sa 'kin. Sinisi pa ako amp. Nag shower muna ako saka tumabi sa kaniya, nag babasa naman siya ng libro habang hinintay akong matapos maligo. Ampogi naman niyan, nakasalamin habang nag babasa. Para siyang mafia boss dun sa nababasa kong story sa w*****d ang pinagkaiba lang—hindi nga mafia boss si Jin kaso ugaling mafia. Niyakap naman ako nito ng makahiga ako, ayan na naman po ang malanding Jin. Kada gabi nalang. Don't tell me, irarason na naman niyang namiss niya ako kahapon? "Ano na naman ba Jin?" Mas isinubsob niya ang mukha niya sa leeg ko saka ito inamoy amoy, nakiliti naman ako sa ginawa niya kaya inilayo ko ang ulo niya. "Ang bango mo hon," ani

