JIN
Maaga akong pumasok para maagang maka isip kung ano na namang mga bagay ang iuutos ko sa babaeng 'yon. Masakit parin ang ulo kong nahulugan ng vase kahapon, nang sipain niya ang likod ko ay natabig ko ang lamesa kaya nahulog sa ulo ko yung vase. Wala naman talagang kasalanan yung pangit na 'yon pero kung hindi niya sinipa yung likod ko ay sana hindi ako luluhod at masasagi yung lamesa.
Binati naman ako ng guard, binati ko rin siya pabalik. Ganon din ang ginawa nang ibang employee pero hindi ko sila pinansin. Nang makarating ako sa floor namin ay wala pa masyadong tao, iilan palang yata sila, ngunit isang tao lang ang naka agaw ng pansin ko, si Merimie na natutulog.
May bigla namang pumasok sa isip ko na katarantaduhan, wala naman siyang magagawa kung pag ti-tripan ko siya, dahil kung muli niya akong saktan ay talagang hindi na siya ulit makakabalik dito sa companya ko. Kumuha naman ako ng pentelpen mula sa isang lamesa. Dahan dahan akong lumakad papunta sa table nya kung saan nakatagilid ang ulo niya habang natutulog.
Siguro sumobra na naman ang trabaho niya kagabi kaya puyat siya ngayon. Psh, ngayon palang niya hindi nagawa yung Rule no.#3. Bumaba naman ako para mag pantay ang mukha ko sa mukha niya. Hindi ko mapigilang titigan ang mukha niya; maganda naman siya eh, natatakpan nga lang ng makapal na salamin ang mukha niya. Psh... nerd.
Napansin ko ang ilang butil ng luha sa pisnge niya. Umiyak ba siya? O baka laway 'yan. Oo baka laway nga. Kadiri naman, tanda tanda na naglalaway parin.
Itinutok ko ang pentelpen sa ulo niya at sinulatan ito ng L, short cut ng 'loser' siguro naman hindi siya bobo para hindi malaman ibig sabihin niyan. Hihintayin ko nalang na magising siya, panigurado magiging tigre na naman siya mamaya. You deserve that, babawi lang ako sa ginawa mo. Ang sakit kaya sa likod non, bakit ba sobrang lakas ng babaeng 'to? Psh, never mind. As long as naaasar ko siya, masaya na ako don.
Ibinalik ko ang pentelpen sa pinagkuhaan ko saka ako pumasok sa opisina ko, sweet dreams Merimie.
Napakapit ako sa lamesa ng makaramdam ako ng hilo. Hayst, ito na naman. Nung isang araw pa ako nakakaramdam ng hilo at pagsakit ng ulo. Ang init rin ng buong katawan ko. Uminom naman ako ng gamot kagabi pero parang walang epekto yung gamot sa 'kin dahil hindi manlang bumaba yung lagnat ko.
Wala naman akong oras pumunta sa hospital dahil busy ako sa pag ta-trabaho. Nilakasan ko na lamang ang aircon ng opisina ko saka ako nahiga sa gilid ng office ko. Nag tanggal rin ako ng pang itaas dahil sobrang init talaga.
⁂
"Babe this is sweet, just like you." Sabi ko sa girlfriend kong pinag bake ako ng cake. Tuwang tuwa naman niya akong nilapitan.
"Of course, it's for you." Hinalikan naman niya ako sa pisnge.
Mahal na mahal ko talaga 'tong babaeng 'to.
Pinag buksan ko siya ng kotse bago ako sumakay sa driver seat, pupunta kami ngayon sa bar ng kaibigan ko. Nagkayayaan kasi na mag iinom dahil birthday ng isa sa mga kabigan namin.
Isinama ko na rin ang girlfriend ko dahil girlfriend din naman ng mga kaibigan ko ang mga kaibigan niya.
Nang makarating kami doon ay talagang buhay na buhay ang paligid. Maingay, mausok, amoy alak na rin dahil nga sa mga manginginom. Pumunta naman kami sa VIP sa second floor. Completo na sila maliban nalang pala samin ng girlfriend ko.
Nag kakasayahan ang lahat, medyo tinablan na rin ako dahil sa nararamdaman na hilo. Nag paalam na mag c-cr ang girlfriend ko. Sinabihan ko pang sasamahan ko siya ngunit humindi ito. Kaya naman daw niya sarili niya.
Nag paalam rin na mag c-cr si Brent, ang may ari ng bar na 'to.
Ilang oras na ang lumipas ngunit wala parin ang dalawa. Kinutuban na ako kaya't sinundan ko sila sa cr. Nang makapasok ako sa cr ng mga babae ay nadatnan kong nakapatong ang girlfriend ko sa lababo habang mapusok na nakikipag halikan sa kaibigan ko.
Hindi ako makagalaw mula sa kinatatayuan ko. Nanlalabo na nga ang paningin ko, mas lalo pa akong nahilo sa nakita ko. Bakit? Mahal na mahal niya ako 'di ba?
Natigil naman sila sa pag hahalikan at gulat na napa tingin sa 'kin.
"Babe," lumayo naman ang kaibigan ko. Lumapit sa 'kin ang girlfriend ko. Naramdaman ko naman ang kamay niya na humawak sa akin ngunit tinabig ko iyon.
"Haha what—"
"Babe, let me explain." Kinakabahan na sabi ng girlfriend ko ngunit hindi ko siya pinakinggan. Sinugod ko ang kaibigan ko.
Suntok at tadyak ang iginawad ko sa kaniya. Bakit? Kaibigan ko siya pero bakit? Bakit niya nagawa sa 'kin 'to? Bakit nila nagawa sa 'kin 'to? Niloko nila ako.
"Jin, stop it!" Pinipigilan naman ako ng girlfriend ko pero hindi ko siya pinapakinggan. Nang hawakan niya ako sa likod ay 'di sadyang naitulak ko siya.
Napadaing ito sa sakit ng tumama ang likod niya sa lababo, nakaramdam naman ako ng sakit sa pisngi ng suntukin ako ng kaibigan ko.
"Tarantado ka! Bakit mo sinaktan si—" Nang makaalis siya sa pagkakahiga ay agad niyang nilapitan ang girlfriend ko. Umiiyak naman ang babae at parang aping api sa nangyare sa kaniya.
"She deserves it." Malamig kong sabi. Susugurin pa sana ako ng kaibigan ko ngunit dumating na ang mga security guard para patigilin ang g**o. Pati ang iba naming kaibigan ay nandito na rin.
"What's happening here?" Tanong ni Leo. Napa tingin naman siya sa dalawang mag kayakap sa harapan namin.
Hindi naman makapaniwala ang iba sa nakita. Alam ng ibang palaging pumupunta dito sa bar na girlfriend ko ang yakap yakap ngayon ng may ari ng bar na 'to. Ngunit katulad nila ay hindi ko rin alam na may relasyon pala silang tinatago.
Lumabas na lamang ako doon. Hindi narin naman ako makakasugod sa kaniya dahil ako pa ang mapapasama sa mata ng iba kung sakaling mag wala akong muli. Do I deserve this? No. I don't.
I know that I do not deserved this. Minahal ko siya. Naging totoo ako sa kaniya. Ni hindi ko nagawang mag loko. Never akong nag cheat. So Why? Anong pagkukulang ko na meron ang lalaking 'yon?
Dahil ba sa meron siyang bar? Well, my girlfriend likes to go to bars so much. She likes to drink. Palagi ko naman siyang binibilhan ng alak pag asa condo kami o 'di kaya dinadala ko siya sa bar ng kaibigan ko.
She do loves to party, pero 'di ko alam. Na sa sobrang pag spoiled ko sa kaniya ay ako na pala ang niloloko niya.
Umuwi ako ng masama ang pakiramdam. Umiyak ako ng umiyak. Sobrang sakit ng nararamdamn ko.
Tao rin naman ako eh, kahit lalaki ako nakakaramdam din ako ng sakit. Nagiging mahina rin ako.
Nagising ako ng makaramdam ng sobrang panlalamig. Nakalimutan kong asa office pa pala ako at itinodo ko sa pinaka malamig ang temperatura ng aircon dahil sa init na init ako kanina. Ngunit hindi parin ako ganon nilalamig, ang init parin ng pakiramdam ko.
Tumagilid ako dahil pawis na pawis na ako, ang sakit din ng katawan ko at unting galaw ko lang ay parang mahuhulog ako sa hinihigaan ko.
Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto ko. Ngunit hindi ko iyon pinansin at itinuloy ang pag tagilid ko ngunit napadaing ako ng makaramdam ng p*******t sa chan ko. May naramdaman naman akong malamig na bagay na dumampi sa leeg ko.
Sino 'yon? Bakit hinahawakan niya ako?
Nakarinig pa ako ng ilang yapak ng taong pumasok sa office ko. At bago pa ako muling makatulog ay ang ingay ng mga nag uusap na tao ang huling narinig ko.