Chapter 2 - WRONG MOVE
Lhorr's POV
Nagmamadali akong tumatakbo dahil late na ako sa GE 8 SS class. Lagot na naman ako kay Sir Wisdom nito― si Mr. Geraldo, ang guro namin sa Ethics. Paano ba naman ay palaging mainit ang ulo ni sir― sa akin. Siya na naman ang magtuturo sa aming asignaturang ito.
Ewan ko ba do'n, sa buong estudyante niya, parang sa akin lang siya palaging may mataas ang dugo. Kahit na wala naman akong ginagawang masama. Wala kasi siyang pakialam kahit first day of school o semester pa iyan. Kaya kung bagong estudyante ka niya, mag-aalala ka talaga. Kahit anong okasyon pa iyan, magka-klase at magka-klase talaga siya. Shall I call him kill of joy? Huwag na at baka ibagsak pa niya ako.
Minsan nga rin sinubukan kong dalhan siya ng yelo para lumamig 'yong ulo niya kahit papaano. Pero hayun at napalabas ako sa klase dahil sa sobra kong kabaliwan. I know it’s not good, it’s just supposed to be a prank.
Isang araw, nahuli niya akong kumakalikot sa aking cellphone. Hindi ko nga pala naalala na ako lang ang binabantayan ng mata niya. Kaya nayari ako sa kaniya.
"Ms. Gonsale, bakit ka nag-se-cellphone sa klase ko?! Desidido ka pa bang maipasa ang subject na ito o hindi?"
"E-eh, Sir, pasensiya na po. May tiningnan lang akong update ni crush sa f*******:, este emergency," pabiro kong sabi kay Mr. Geraldo.
"Get out of my class o baka gusto mo ibagsak na lang ulit kita?!" sigaw nito, halos pumutok na ang kaniyang ugat sa leeg sa galit.
Lumabas ako ng classroom na puno ng kahihiyan mula sa aking mga kaklase. Hindi ako nakadalo ng klase sa kaniya ng ilang araw dahil mainit pa rin ang dugo niya sa akin. Sinubukan ko namang um-attend sa klase niya noon, kaya lang sa kasamaang palad wala siya dahil may inaasikaso na importante. Dinig ko ga-graduate na si sir sa kaniyang Doctorate degree.
Tuwing late kasi ako sa kaniyang klase, puro matatalinhagang pilosopiya ang naaabutan ko. Kaya immune na ako dahil ikalimang beses ko na itong ginagawa. Paano ba naman kasi, anong oras na rin ako natutulog araw-araw kanonood ng mga Korean dramas at Thai series na hindi ko matiis na hindi matapos.
Lhorr Raine Gonsale, 23. I just finished celebrating my birthday last May 16.
Talaga bang malas ang pangalan ko? Hindi ko rin alam. Nasa senior year na ako at pilit na tinatapos ang Bachelor of Science in Computer Engineering kong kurso.
Mahilig rin ako sa Korean dramas at Thai series pero hindi ko naman pinapabayaan ang pag-aaral ko. Kaya nga kahit pasaway ako matataas naman ang mga marka ko sa klase. Ito na lang kasi ang maisusukli ko sa kay nanay na tumutulong sa pagtataguyod sa aking pag-aaral sa kabila ng mga sakit na nangyari sa amin noon. Kaya dinadaan ko na lang sa pagiging masiyahin minsan. Kahit na pasuko na rin ako.
Isang masipag na nagbebenta ng ukay-ukay at mapagmahal na labandera ang nanay ko. Sa kasamaang palad naman ay pumanaw ang aking ama dahil sa heat stroke. Alam kong pinilit niyang mabuhay pero hanggang doon na lang yata. Ilang taon na ring hindi naka-recover ang si nanay sa nangyari. Paminsan-minsan ay makikita kong natutulala na lang siya sa bintana.
Hindi ko alam kung anong nangyari sa kaniya dahil minsan kinakausap niya ang upuan― ang paboritong lugar ni papa. Bakas sa kaniyang mukha na na-mi-miss na niya si Papa. Ngunit hindi na maibabalik pa ang nakaraan kahit ipilit man namin na mangyari ulit iyon. Wala kaming kapangyarihan na baguhin ang nakatadhana.
*****
Nagmamadali na akong tumatakbo sa hallway nang bigla akong may nakabanggaan na isang lalaki. Sa tingin ko ay first year student siya kasi bago ko lang nakita ang pagmumukha niya sa campus namin. Pero dahil sa suot nitong nametag sa kaniyang dibdib, nalaman kong juniors namin siya. Halos kasi lahat ng mag-aaral sa department namin ay familiar sa'kin. Siya lang ang hindi ko napansing pagmumukha. Saang lupalop kaya siya galing at ngayon lang sumulpot. Mukhang bata pa rin naman talaga ang kaniyang mukha at postura.
Aaminin ko na nagkaroon kaagad ako ng paghanga sa mokong na iyon. Paano ba naman ang mapupungay niyang mga mata ay nakakatunaw habang tumititig ito sa akin. Siya siguro ang bukambibig ng mga kaklase ko na may new student at guwapong chinito na mayaman na mag-aaral dito.
Pero inis na inis ako sa kaniya kasi parang nagmamay-ari ng daan na ayaw tumabi. Sa katunayan, alam ko naman na hindi ko siya nakita at kasalanan ko rin ang nangyari.
Sa kabila no'n, nagtaray ako sa kaniya kaya siguro napikon na rin siya sa kasungitan ko. Paano ba naman halos ipamukha ko sa kaniya na siya talaga ang may kasalanan. Sa totoo niyan ay ayaw ko lang naman na matapos kaagad ang eksenang iyon. Parang gusto ko lang siyang inisin.
Pagtayo ko mula sa aking pagkasalansan sa sahig ay muntikan na naman akong matumba. Sa kabutihang palad ay nasalo niya ako. Naglapit ang aming mga mukha dahil doon na para akong isang prinsesa na sinalo ng aking prinsipe. Pero hindi ko siya dapat pakitaan ng bait.
Kaya lang ay hindi ko matiis na tumitig sa kaniyang magandang mga mata. Maganda rin ang pagkakahulma ng kaniyang labi. Napahawak ako sa kaniyang matigas na braso.
Hindi talaga mawala sa isip mo na mukha siyang sobrang bata at hindi mature kung titingnan. Mukha rin naman siyang modelo sa mga magazines. 'Yong tipong nasa kaniya lahat ibinuhos ang kagwapuhan. Kaya hindi mapigilan ang bilis ng lukso ng aking puso sa kaba at kilig. Sa tanang buhay ko hindi ako nakakaramdam ng parang isang kuryente na kinikiliti ang aking puso.
Hayun, para 'di mahalata na kinikilig ay nagsungit na naman ako sa kaniya. At semplang nga ang napala ko sa aking inasal. Binitiwan niya ako ng 'di ko man lang napaghandaan. Napaka-suplado talaga ng mokong 'yon at hindi man lang ako pinatayo ulit.
Nagpakilala naman siya. Ibinigay pa niya ang kaniyang number. Kaya lang, hindi ako mahilig mag-save ng number sa phone kaya ewan ko kung anong gagawin ko sa number niya.
Sinigawan ko na lang siya ulit bago man lang makaalis nang tuluyan para lang mapansin niya ako. Pero dere-deretso lang siya sa paglalakad na parang walang narinig. Olats ako, kaya dumeretso na lang ako sa room namin. 'Di bale, magkikita pa rin naman kami sa maliit na campus na pinapasukan namin. Humanda lang ang lalaking iyon sa akin.
"Pagsisisihan mo ang ginawa mo sa akin, mokong ka!" galit kong sabi, kompyansa na makababawi ako.
The next day.
I tried to look on that hard-headed guy in our campus, but I forgot to remind myself how expert he is when it comes to hiding. Wala pa naman na kahit sino ang nakatatakas sa akin, yet he proved me wrong. Since that day, I haven't met nor seen him but I am sure we will cross paths again, if not at this moment.
Sinubukan ko siyang abangan sa labas ng kanilang building hanggang sa mainip ako sa kahihintay kaya napag-isipan ko na umuwi na lang ulit. For the seventh times, hindi ko na naman nakita ang mokong. Alam niya sigurong aabangan ko siya para makaganti kaya nagtatago sa lunga.
"Lhorr, sinong hinihintay mo d’yan? Dali na, sumabay ka na sa amin umuwi. Dadaan naman kami sa inyo," yaya sa akin ni Yen, isa sa mga blockmates ko.
"Mauna na muna kayo, Yen. May inaabangan pa kasi ako. Salamat sa alok mo," tugon ko sa kaniya.
"Ayie! Himala ngayon at hindi ka nagmamadaling umuwi, ha. Mukhang iba na 'yang galawan mo, Lhorr. Sige, mauna na kami. Kitakits na lang bukas," pagpapaalam niya.
"Sige, ingat kayo," sagot ko. Wala akong oras para makipag-ayie kay Yen.
Nang mawala na sa paningin ko sina Yen ay sinubukan ko ulit abangan sa labas ng building nila ang mokong. After couple of hours, sa wakas at nakita ko siya kasama ang kaniyang mga kaibigan― hindi ko lang sigurado. Mabuti't hindi niya ako napansin sa labas ng building habang papalabas na sila. Nag-isip kaagad ako ng paraan para gumanti sa kaniya. Napangisi ako nang may bigla akong naisip.
"Lagot ka sa'kin ngayon! Kung ako ang natumba noon dapat ganoon din ang mangyari sa'yo ngayon mokong ka," bulong ko sa aking sarili.
Nagmadali akong pumwesto sa gate ng building. Nang malapit na sila ay agad kong hinarang ang aking paa sa kaniyang harapan paraan para matisod siya.
"What the fudge!" mura nito.
"Sorry!" nakangiting sabi ko, naka-peace sign.
"Ikaw na naman?! Kailan mo ba ako tatantanan?! Hinayaan na nga kita, 'di ba?! Hanggang dito ba naman sinusundan mo pa ako?” galit niyang sabi. “O, baka naman may gusto ka lang sa 'kin, Ms. Sungit?" biglang pang-aasar niya.
Hindi ako kaagad nakasagot nang maayos. Nabigla ako sa sinabi niya. Ano ba naman itong pinasok kong katangahan ulit sa buhay. Hindi ko man lang ito inasahan kaya wala akong pang-buwelta.
"Hoy! H'wag kang assuming supladong mokong ka! Akala mo napaka-guwapo mong nilalang na kailangan talaga sundan noh? On your face! For your info, you look like a trash!" pagtataray ko.
"Tsk. Tsk. Tsk. Aminin mo na kasi."
Paalis na sana ako ngunit may kamay na humawak sa aking braso. Pagharap ko sa kaniya ay muntikan na magkalapit ang aming mga mukha. Hindi ko mapigilan ang bilis ng pagtibok ng puso ko. Bigla na lang akong kinilig at hindi na dahil sa inis ko sa kaniya. He's also taller than me pero kaunti lang ang deperensiya.
"Do you really want to challenge me, huh, Ms. Sungit?" bulong nito. "I swear you will regret it."
"Oo,” matapang kong sagot. “Ako pa talaga ang tinatakot mo? Hoy! 'di kita aatrasan kahit pagsamahin pa kayo ng mga kaibigan mo," sabi ko pa, habang tiningnan ako ng seryoso ng kaniyang mga kaibigan.
Hinarap ko ulit siya. "What, now?"
Nailang ako bigla. Napatakip ito ng ilong dahilan para ilayo nito ang kaniyang mukha sa akin. Natutop ako sa ikinilos niya. Agad kong inilapat ang aking kamay sa bibig. Binitawan niya naman ako at lumayo nang bahagya.
Huminga ako sa aking kamay upang maamoy ang aking hininga, Muntikan na akong maduwal sa amoy nito. Kaya pala inilayo nito ang kaniyang mukha dahil napakabaho pala ng hininga ko.
Nakakahiya!
"Ka-babae mong tao, tapos amoy basura lang naman pala ang hininga mo?" natatawang sabi nito.
Nagtawanan ang lahat nang nakarinig kasama ang kaniyang mga kaibigan at iba pang estudyante na nakakita ng eksena. Napataklob ako ng mukha sa sobrang hiya. Imbes na ako ang manalo ngayon ay mukhang naisahan ako ng mokong.
This time I feel defeated again. I hurriedly stormed inside the cafeteria’s rest room. Naalala kong hindi pa pala ako nakakainom ng tubig pagkatapos kong kumain kanina. Wala pa naman akong tootbrush na dala ngayon dahil nagmamadali na ako kanina.
While looking intently at the mirror, I saw a loser staring at me. "Humanda kang mokong ka, I really hate you!" I said to myself complacent that our next time will desperately rip his ego.
@phiemharc – C2