Three years ago... "What was that for?" malambing na tanong ni Tita Jaya habang pinapanood akong maingat na itupi ang paper cranes na ginagawa ko. Nakangiti kong inabot sakanya ang tatlong cranes. Nagtataka niya itong tinanggap at bahagyang binuksan at binasa ang sulat ko sa loob. She stared at it for a while before she turned to me, her eyes glistening with tears. She pulled me closer and hugged me. "How thoughtful and sweet of you!" she said as her hug tightened. Tinawanan ko lang si Tita bago niyakap pabalik. "Happy mother's day, Tita. Thank you for everything, I love you po," I whispered to her ears with a smile. "You're always welcome, hija. Alam mo namang nandito lang kami palagi for you," ani niya matapos bumitaw sa pagkakayakap. Nginitian ko lang ulit si Tita bago bumalik sa

