Hindi maipinta ang mukha ko ngayon habang naglalakad papunta sa bahay ng kapitbahay namin! Sinamaan ko ng tingin si Lolo na kanina pa ako inaasar d'yan sa mga pangisi-ngisi niya.
Ang tanda-tanda na ang hilig mang-asar!
“Lo, pwede naman akong mamasahe nalang e, sasakay nalang ako ng j--”
“Bakit may pera ka?” Nakangising pigil niya mas lalo akong nainis at pinagsalubong ang kilay, nung makarating kami sa bahay nila ay bumungad kaagad ang ngiting-ngiti na si tita Tanya.
“Hi, mang jerry hello paul—oh, bakit parang gusto naman 'ata mang-atake nito?” Gulat na tanong ni tita tanya at nameke ng tawa, tumikhim ako at iniwas ang paningin.
“Masama ang gising ma'am,” nakangiting sagot ni lolo, ngumiti naman si tita Tanya at nilapitan ako.
“Bakit nandito ka hija? Sasama ka ba sa lolo mo sa hacienda?” Sunod-sunod niyang tanong, umiling ako at sinamaan ng tingin si Lolo.
“Ah, papasok kasi siya sa trabaho e wala naman siyang masakyan. Kung pwde sana ma'am ipapasabay ko siya kay Chad?” Tanong ni lolo bumuntong hininga si tita Tanya at nakangiting tumango.
Ugh! Ayaw kong makasabay yung alieng 'yon!
“Okay lang, hindi mo naman kaagad sinabi sa'kin paul. Halika punta tayo do'n sa garahe.” Nakangiting baling niya sa'kin at hinila ang kamay ko, pinandilatan ko si Lolo pero kinindatan niya lang ako.
What the hell?!
Wala akong magawa kun'di ang magpa-alipin kay tita tanya, no'ng makarating kami do'n ay naramdaman ko na agad ang masasamang titig ni alien, nakasandal siya sa isang mamahaling kotse habang ang driver naman ay kasalukuyang pinupunasan ang bintana ng kotse.
“What is she doing here mom?” Asik niya at lumapit sa'min, bumuntong hininga si tita Tanya at hinawakan ang magkabilang balikat ng anak.
“Look son, wala siyang masakyan at gusto kong isabay mo--”
“No! Hindi ko papayagang may makasabay akong octopus mom! Ugh! It's gross!” Nandidiri niya akong tiningnan, sumama ang mukha ko. Nilingon ako ni tita Tanya at tiningnan sa mata nabasa ko ang paghingi niya ng pasenysa,tinanguan ko lang siya.
Octopus mo muka mo.
“Chad, please makinig ka sa mommy. H'wag kang magsalita ng ganiyan baka pagsisihan mo sa huli.” Makahulugang ani tita Tanya, palihim akong ngumisi. Pinagkrus ko ang braso at diretsong tumitig sa apat niyang mga mata.
E pano ba naman kasi, sa t'wing makikita ko siya palagi nalang siyang nakasuot ng sunglasses! Ikinagwapo niya yan?
“Ugh, I will never regret what I said mom! Mukha siyang octopus! Tignan mo nga yang buhaghag niyang buhok, tapos 'yang pants niyang maluwag?! Ugh! Na---”
“Papasakayin mo siya o babawasan ko yung allowance mo?” Seryosong tanong ni tita Tanya nakita kong nanlaki ang mata ni Chad at hindi makapaniwalang tiningnan ako, ngumisi ako.
“Argh! Fine!” Napilitang pag-sang-ayon niya at tinabig ang kamay ng mommy niya sa balikat saka padabog na pumasok sa kotse.
Lumingon sa'kin si tita Tanya at nginitian ako, naiilang naman akong ngumiti.
“Sige na hija, sumakay ka na.” Nakangiting ani'ya, nahihiyang tumango naman ako.
“Uh, s-salamat po.” Magalang na ani ko, tumango lang siya kaya tinalikuran ko na siya at pumasok sa driver seat.
Nasa passenger seat kasi yung alien patuloy parin sa pagmamaktol habang ang sama ng titig sakin, palihim nalang akong ngumisi. Nakita kong pumasok na ang driver at nginitian ako.
“Bago ka rito hija 'di ba?” Tanong niya sa'kin at sinimulan ng paandarin ang makina, tumango naman ako.
“Mm,”
“Anong pangalan mo hija?” Tanong niya tumingin ako sa kaniya saglit at bumuntong hininga saka iniwas ang paningin.
Bakit parang ang bigat ng tanong na 'yan para sa'kin?
“Paulette Louise Anderson,” Sagot ko na wala sa kaniya ang paningin.
“Nice to meet you Paulette, ako si Arthur Lofquist. Tawagin mo nalang akong mang Arthur” Sabi niya gulat ko siyang nilingon.
Lofquist?
“Lofquist?! Ama ka ni jade?”Sunod sunod na tanong ko, diretso naman siyang tumango.
“Yes, actually alam ko na talaga ang pangalan mo dahil wala siyang tigil kadadada tungkol sa'yo...” Nakangiting umiling-iling si mang Arthur, napapahiyang iniwas ko naman ang paningin.
Hindi ko siya sinagot at itinuon ang paningin sa labas pero laking gulat ko nung may nahagip akong isang lalaking pamilyar sa'kin.
Bumilis ang t***k ng puso ko at kumuyom ang kamao, tinitigan ko ng maigi ang lalaki hanggang sa bigla siyang nawala sa paningin ko dahil sumiksik siya sa mga nakakalunod na mga tao.
Nandito ka lang pala nagtatago kang hayop ka, hintayin mo 'ko ibibigay ko sa'yo ang kamatayang matagal mo nang hinihiling... Trev.
“Paul?!” Natutiliro akong lumingon kay mang arthur, taka niya akong tiningnan.
“H-ha?” Wala sa sariling tanong ko, narinig ko ang malalim na buntong hininga ni alien sa likod.
“Saan ka ba nagta-trabaho, para bumaba ka na? Hindi ko kaya ang amoy ng isang pugita rito...” Inis na ani'ya hindi ko siya pinansin at nanatiling nakatingin kay mang Arthur na umiling-iling lang.
“Sa amoretto restaurant mang Arthur, hindi ko na rin kasi kaya ang presensya ng halimaw dito na apat ang mata, nakakalula.” Sinadya ko pang lakasan ang boses ko para marinig niya nakita ko sa rear mirror na napamaang siya. Ramdam ko ang pagpipigil ng tawa ni mang Arthur kaya iniwas ko ang paningin sa labas.
“Magkasama pala kayo ng anak ko do'n?” Tanong ni mang Arthur dahan-dahan ko siyang nilingon at tumango.
“Yes po,”
“Oh, bakit hindi ka nalang sumabay sa anak ko pag-uwi?”
“Baka kasi makakaabala ako sa kaniya e,” Pagsisinungaling ko, umiling naman siya.
“Hindi siya gano'n, mabait na bata 'yon.” Nakangiting ani'ya natulala ako nung makita sa mga mata niya ang pagka-proud sa anak. Iniwas ko na naman ang paningin at nagtama ang mata namin ni Chad sa rear mirror, inirapan ko siya.
Kailan ko kaya mababasa rin sa mga mata mo dad na proud rin kayo sa'kin.
Natatawa akong umiling sa naisip,pinagkrus ko ang braso at umayos ng pagkakaupo. Nung makarating na kami sa tapat ng restaurant ay mabilis akong bumaba at kumaway kay mang arthur.
“Salamat po, mang Arthur.” Nakangiting ani ko, nakangiti naman rin siyang tumango. Tumingin pa ako saglit kay alien na nakangangang nakatingin sa'kin, “huy!” Tawag pansin ko sa kaniya natutuliro niya namang iniwas ang paningin, kumunot ang noo ko.
“T-tsk! Umalis ka na nga!” Singhal niya, ngumiwi ako at hinawakan ang buhok kong nililipad ng hangin.
“Salamat, Chad.” Senserong ani ko natigilan naman siya at 'di nakasagot kaya kumaway ulit ako kay mang Arthur at tuluyan ng pumasok sa restaurant.
Pagkapasok ko ay bumungad kaagad sa'kin yung manager namin, tinanguan ko siya.
“Good morning sir Arnold,” Maganda ang ngiting ibinigay ko sa kaniya, ginantihan niya rin ako ng matamis na ngiti.
“Good morning Miss Paul, magaling hindi ko inaasahang ganito ka ka-aga papasok.” Nakangiting ani'ya, wala akong magawa kun'di ang bumow.
“Salamat,” senserong ani ko, pagkatapos no'n ay dumeretso na ako sa kusina at nanlumo kaagad nung makita ang tambak na hugasin, malalim akong bumuntong hininga at sinimulan ng hinugasan 'yon lahat.
Buong araw akong nanatili sa kusina at hindi lumalabas dahil minu-minuto ay may darating bagong hugasin na naman.
Pagkatapos no'n tumingin ako sa relo at 7:00 na ng gabi, masaya kong tinanggal ang apron at lumabas na sa kusina nakasalubong ko kaagad si jade na nagulat pa nung makita ako.
“H-hey,” tawag niya sa'kin, pagod naman akong tumango. Nilagpasan ko siya at diretsong naglakad palabas, naramdaman ko ang pagsunod niya pero hindi ko na siya nilingon.
“Hey! Louise, uuwi ka na ba?” Tanong niya tumigil ako at hinintay siya.
“Oo, uuwi na ako.” Pagsisinungaling ko, napakamot siya sa batok at iniwas ang paningin.
“Ihahatid na kita sa inyo.” Presenta niya, umiling ako.
Pagod ako sana h'wag ka ng magpumilit.
“Wag na mag-j-jeep nalang ako o di kaya ay mag-t-tricycle,” Pagod na ani ko at akmang tatalikod na sana ako nung magsalita na naman siya.
“Iba na ang ikot ng mundo ngayon Louise, napaka-delikado na lalo na at babae ka.” Seryosong sabi niya nilingon ko siya at nginitian.
“Don't worry, I can take care of my self” Nakangiting ani ko at tuluyan na siyang tinalikuran mabilis akong lumiko sa parteng madilim ng daan at nagtago sa poste.
Pinagmasdan ko siyang bagsak ang mga balikat na sumakay sa kaniyang motor at mabilis na pinaharurot 'yon. No'ng hindi ko na siya matanaw ay saka ako lumabas sa madilim na parteng 'yon.
Matagal ko ng kilala 'yang delikadong sinasabi mo jade,
Malalim akong humigit ng hininga at nakatingala ko 'yong ibinuga, mabilis na namuo ang galit sa dibdib ko saka mabilis na tumakbo sa lugar kung saan ko nakita si Trev kanina.
Para akong baliw na nagtatakbo-takbo sa daan na parang walang patutunguhan, lumipas ang ilang minutong paghahanap ay wala akong nakitang anino ni Trev.
Nakatakas ka man sakin ngayon pero panandalian lang 'yon, hindi malayong magcross ulit ang landas natin. At kapag nangyari 'yon sisiguraduhin kong alam ko na kung saan ka nakatira.
Nakabalik ako ng bahay na wala sa sarili, lumilipad ang isip ko at hindi namalayan si lolong nakaupo sa mesa.
“Tsk! Mas lalo ka yatang bumastos Maria ah,” sarkastikong ani lolo, gulat ko siyang nilingon at mabilis na nagmano.
“M-mano po lo,” Malamyang sabi ko at nagmano, narinig ko ang mabigat niyang buntong hininga.
“Umupo ka nga hija,” Utos niya taka ko naman siyang tiningnan at umupo sa upuang kaharap niya. “Kumusta ang trabaho mo?”Tanong niya, tumango naman ako.
“Ayos naman,” Para'ng walang buhayng sagot ko narinig ko ang malalim niyang buntong hininga.
“Pagkatapos ng trabaho mo, saan ka pa pumunta?” Seryosong tanong niya, nagulat ako at napatitig sa kaniya.
P-pa'nong?
“Anong saan pumunta?”
“Dumaan dito si jade tinatanong niya kung nakauwi ka na ba raw,”
Napairap ako sa kawalan at pinagkrus ang braso saka tiningnan ulit siya.
Ugh, jade.
“May dinaanan lang.” Ani ko sabay tayo nagulat siya sa ginawa ko.
“Bago ka pa lang dito Maria, wala ka pang mga kaibigan. Saan ka naman---”
“Masama bang maglibot-libot lo?” Hindi ko na mapigilan ang inis, natigilan siya. Malalim akong bumuntong hininga at hinarap siya. “Alam kong nag-aalala kayo, pero wala kayong dapat ikabahala hindi ko hahayaang mapahamak ang sarili ko.” Malamig na sabi ko at lumabas ng bahay, tinawag niya pa ako pero hindi ko na siya nilingon.
Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng paa ko pero gusto ko munang makalayo-layo at palamigin ang ulo.
Namalayan ko nalang ang sariling nakatayo sa isang buntod, ibinaba ko ang paningin bagaman madilim may liwanag parin akong nakikita dahil sa buwan.
Nakapamulsa akong tumingala sa langit nakita ko ang nagkikinangang mga bituin, pumikit ako at nilasap ang malamig na hanging---
Natigilan ako nung may marinig na mga yapak lumingon ako sa likuran at wala naman akong nakita,
Bumuntong hininga ako at bumaling ulit sa harapan, palihim kong kinuha ang maliit na kutsilyo sa bag ko.
Pray for your life,
Matapos kong masambit 'yon sa isip ay lumingon agad ako sa likuran saka tinitigang maigi ang puno ng narra na parang may nakasandal rito.
Dahan-dahan akong lumapit na nakababa ang isang kamayng may hawak na kutsilyo, habang papalapit ay kumunot ang noo ko nung makitang parang natutulog 'yon.
Walang takot akong lumapit at yumuko inilapit ko ang mukha ko para maklaro kung sino pero laking gulat ko nung nagmulat siya at mabilis akong inatake napahiga ako sa lupa habang siya naman ay nakapatong sakin.
Tsk! Nakuha mo 'ko ron, Chad.
Dinaklot ko ang kwelyo niya at pwersahang inihiga para magkapalit kami ng posisiyon, nagawa ko nga. Hinawakan niya ang kamay kong nakahawak sa kwelyo niya, tiningnan ko siya sa mata at nakita ko ang kakaibang lungkot do'n.
“Let go.” Malamig na utos niya hindi ako nakinig at tinitigan lamang siya.
“Sinusundan mo ba ako?” Walang emosyong tanong ko nakita ko ang paglaki ng mga mata niya.
“Matalas ang pang-amoy mo miss paul.” Nakangising sagot niya mabilis na nagsalubong ang kilay ko.
Why?
“Bakit mo 'ko sinusundan?” Bagaman malumanay pero mahihimigan ang galit sa boses ko, natigilan siya.
“Natural na panatilihin ko ang kaligtasan ng mga mamamayan dito, baka hindi ko alam kriminal ka pa---”
“Bakit parang ikaw pa yung takot? Hindi ba dapat ako 'yon, dahil mag-isa ako marami kayo.” Humigpit ang paghawak ko sa kwelyo niya, napadaing siya.
“Easy, bakit ka ba nagagalit? I'm just kidding okay?” Nahihirapang ani'ya sinamaan ko siya ng tingin bago pabatong binitawan. Narinig ko pa ang pag-ubo niya kaya umayos ako ng pagkakatayo at pinagpag ang damit.
“Wala akong oras makipagbiruan...” Malamig na sagot ko, nakita ko sa peripheral vision kong tumayo siya.
“Bakit ba napaka-seryoso mo?”
“Pinanganak akong hindi iniri.” Sarkastikong sagot ko at tumingin sa kaniya, sumama ang mukha niya na ikinangisi ko.
“What?!” Naiiritang tanong niya nagkibit balikat nalang ako.
“Kung hindi mo 'ko sinusundan then what are you doing here, at natulog d'yan sa puno?” Malamig na tanong ko at palihim na ibinalik sa bag ang kutsilyo. Iniwas niya ang paningin at tumingala sa langit, mabigat na buntong hininga ang pinakawalan niya.
“Binibisita ang ate ko.” Pilit siyang ngumiti matapos isambit 'yon, iniwas ko ang paningin at kunot noong tumingala sa langit.
Kaya pala...
“Sorry...” Senserong ani ko nakita kong napatingin siya sakin pero nanatili akong nakatingala sa langit.
“It's okay,” Napapabuntong hiningang usal niya, yumuko ako at umupo sa damuhan. Tiningnan niya ako bago umupo sa tabi ko, may isang metrong distansiyang layo kami. Hindi talaga kami magkatabi sakto lang na marinig ang sinasabi ng isa't isa.
“I was 14 years old nung mawala siya,” Gulat akong napalingon sa kaniya, nakatingin lamang siya sa malayo.
Nag-oopen ba siya sa'kin?
“Dito ko siya huling nakitang walang awang pinagbubugbug ng mga hindi kilalang tao.” Malumanay ngunit mahihimigan ang galit sa boses niya mas lalo akong napatitig sa kaniya at napansing wala 'ata siyang suot na sunglasses.
I was 15 years old no'ng iwan ako ni kuya...
“Bakit hindi mo nagawang iligtas siya?” Pinilit kong wag ipahalatang interesado pero nabigo ako. Narinig ko ang mabigat niyang buntong hininga.
“I was so scared back then ni hindi ko nga magawang tawagan sila dad dahil sa panginginig ng buong parte ng katawan ko.” Tiim bagang sagot niya dahan-dahan ko siyang nilingon at nakita ko ang sarili ko sa kwento niya. “Kung sana hindi ako nagpalamon sa takot edi sana nandito pa siya ngayon kasama ko." Parang sisingsising ani'ya bumuntong hininga ako at tumingala sa langit.
Kung sana hindi ako naging inutil edi sana nandito siya ngayon sa tabi ko, at wala ako rito kasama mo.
“So anong ginawa mo do'n sa nambugbug sa kaniya?” Tanong ko na nanatiling nakatingala sa langit.
“Matapos ang ginawa nilang kahayupan ay iniwan nila ang kapatid kong parang lantang gulay, hinanap ko sila pero nabigo ako dahil isa silang dayo at nagpalit-lipat lang sila ng lugar...” randam ko ang pang-gigigil niya kaya nilingon ko siya.
“Why are you telling me this?” Kunot noong tanong ko nilingon niya ako at nagtama ang mata namin.
“P-para maniwala kang hindi talaga kita sinundan...” Maaksiyong sagot niya at iniwas ang paningin, ngumisi ako at tumingin sa malayo.
Psh! You're lying.
“Hindi mo ba naisipang maghiganti?” Wala sa sariling tanong ko pati ako ay nagulat sa sinabi ko pero wala e nasabi ko na. Hindi ko siya nilingon nakita ko sa peripheral vision ko na napalingon siya sa'kin.
“Minsan na rin 'yang sumagi sa isip ko pero naisip kong aanhin ko pa ang paghihiganti kong hindi naman mababalik ang buhay ni ate.” Napapabuntong hiningang sagot niya nilingon ko siya at naramdaman ko ang pag-init ng ulo ko, nagsalubong kaagad ang kilay at masamang tumitig sa kaniya.
“Hustisya ang kailangan ng isang tao Chad pag naisip nila 'yang paghihiganti. Hustisya.” Hindi ko na mapigilan ang galit ko gulat niya akong nilingon, “oo hindi na natin mababalik ang buhay na kinuha nila pero kaya nila 'yong bayaran sa pamamagitan ng buhay rin nila. Pawis sa pawis, dugo sa dugo at laman sa laman.” Tiim bagang usal ko nanlaki ang mata niya, iniwas ko ang paningin at huminga ng malalim.
Hindi ko matatanggap na magiging balewala lang ang pagkamatay ni kuya, kung kailangan kong pumatay hindi ako magdadalawang isip na gawin 'yon.
“W-what's wrong with you? Bakit bigla ka nalang nagagalit?” Takang tanong niya pasiring ko siyang tiningnan at inirapan. Umiling lang ako at tumayo, tumingala siya sakin.
“Pagod lang uuwi na ako, umuwi ka na rin.” Walang emosyong ani ko at tinalikuran na siya, nagtuloy tuloy akong maglakad walang lingunan walang pag-aanlinlangan.
Makita ko lang silang magdusa habang nagmamakaawa sa'king lubayan sila ay....hindi parin ako makukuntento hangga't hindi ko nauubos ang lahi nila.