Lumipas pa ang mga araw, dumating ang weekend, friday half day lang sila kaya mula sa opisina ay didiretso na sila sa resort sa Batangas, nagrent sila ng bus na masasakyan, bale dalawang bus ang nirentahan nila, sumakay na sa bus sina Matt at Leina at magkatabi sila
"Mahal, bumili ako ng makakain natin sa biyahe" ani ni Matt "Pero burger lang eh"
"Sige Mahal, maya maya na lang busog pa naman ako, ikaw?"
"Sige maya maya na nga lang"
Tumingin naman si Leina sa labas at hinapit siya ni Matt, saka sinandal ang baba nito sa balikat niya habang ang kamay nito ay nasa tiyan niya, hinalikan niya pa sa pisngi si Leina, ngumiti naman ang babae, wala nang pakialam ang mga kaopisina nila, alam na kasi ng mga ito ang relasyon nila
"Mahal selfie tayo" ani Leina
"Sige" ani ni Matt, at nagselfie nga sila sa ganung ayos
"Mahal gagawin ko tong profile pic" ani ni Leina, hindi naman kumibo si Matt, nakita niya ngang pinalitan ni Leina ang profile pic pero kinuha ni Matt ang phone pero hindi pa rin inaalis ang pagkakayakap kay Leina, nagtaka naman ang babae, akala niya ay buburahin ni Matt ang picture, pero pinalitan ni Matt ang status niya at nilagay na in a relationship na silang dalawa, napatingin si Leina kay Matt "Proud ka na sa akin? "
Napakunot ang noo ni Matt, humarap naman si Leina sa kanya "Bakit mo nasabi yan?"
"Di ba nagpalit ako dati, nagalit ka, ayaw mo"
"Sorry, wag mong iisipin na hindi ako proud sayo, alam mo naman nag aadjust pa tayo nun"
"Ngayon pwede na?"
"I love you, sorry kung nasaktan kita nuon, hindi ko sinasadya"
"I love you too" ani ni Leina, yumakap naman siya kay Matt at sinandal ang ulo sa may leeg nito, kinuha ni Matt ang phone niya at nagpalit rin ng status, nagselfie ulit sila sa ganun namang ayos nila ngayon, at yun ang pinalit ni Matt sa profile pic niya, naghiyawan naman ang mga kasama nila sa bus
"Wow ang sweet, #TeamMaleina" hiyaw ng isa, nagtawanan naman silang dalawa, hinalikan naman ni Matt sa noo si Leina
"Maleina daw tayo" ani ni Matt
"Mga baliw yan eh"
"Pag nagkababy tayo Maleina ang ipangalan natin"
"Baby?"
"Bakit? Anytime magkakababy tayo Mahal"
"Gusto mo magkababy sa akin?"
Niyakap ng mahigpit ni Matt si Leina "Siyempre naman, gusto ko magkababy tayo, gusto ko tayo na hanggang sa huli" ngumiti si Leina at yumakap ng mahigpit kay Matt, natraffic pa sila papuntang Batangas, umabot ng limang oras mahigit ang naging biyahe nila, pagbaba nila ay bumulong ulit si Matt kay Leina
"Mahal, kuha na lang tayo ng sarili nating room"
"Ha? Hindi pwede, hindi yun kasama sa cost"
"Ako ang magbabayad okay?"
"Yaman naman ng Mahal ko" nakangiting ani ni Leina
"Nakahanda akong gumastos makasama lang kita ng solo"
"Sweet, kinikilig ako"
"Mamaya mas pakikiligin kita" sabay kindat, nagpunta na sila sa lobby at kinuha na ang mga keycard, nagpahuli naman sina Leina at Matt
"Miss couple room please" ani ni Matt
"Your name Sir"
"Mr. Matteo Ledesma and Mrs. Heleina Ledesma"
Napatingin naman si Leina kay Matt, hinalikan naman ni Matt ang ilong niya "Here's your keycard Sir" ani ng personnel
"Thank you" at magkahawak kamay silang pumasok sa kwarto nila, nahiga si Leina sa kama at tinabihan siya ni Matt saka niyakap
"Maya maya baba tayo para makapagdinner tayo tapos magswimming tayo" ani ni Matt
"Sige"
Maya maya ay bumaba nga sila para kumain, tapos ay bumalik na sila para magbihis ng panligo, nagbihis si Leina ng black na two piece at nagsuot ng cover up
"Mahal, ano yang suot mo?" ani ni Matt
"Pangit ba?"
"Hindi, pero sobrang revealing, ayoko nang may makakita sayo ng ganyan ka, gusto ko ako lang" sabay hapit sa bewang nito
"Gabi naman, hindi na ako mapapansin ng iba"
"Gusto mo bang mapaaway ang Mahal mo?"
"Bakit?"
"Kasi aawayin ko ang tumingin sayo, lalo na pag may nagnanasa sayo"
"Gandang ganda ka naman sa akin Mahal"
"Basta, pag hindi ka nagpalit, ako ang magpapalit sayo, bibihisan kita, at pag nangyari yun hindi na tayo makakababa"
"Wala na akong ipapalit Mahal"
"Puro two piece ang dala mo?"
"May rash guard para bukas"
"Magshorts ka na lang"
"Sige magsusuot na lang ako ng shorts" ani ni Leina, kumuha ito ng short at pinakita kay Matt "Eto okay na ba to?"
"Maiksi pa rin pero okay na yan, akina" kinuha ni Matt ang shorts at umupo "Lika isusuot ko sayo"
"Ako na"
"Ako na, lika na" lumapit naman si Leina at isinuot nga ni Matt ang shorts sa kanya, tumayo si Matt at hinapit siya sa bewang at hinalikan sa labi "I love you Mahal ko"
"I love you too Mr. Ledesma"
Ngumiti si Matt at hinaplos sa pisngi si Leina "My future Mrs. Ledesma"
"Sana nga Matt, sana nga" ani ni Leina, niyakap naman siya ng mahigpit ng lalaki, maya maya rin ay lumabas na sila at sumama na sa ibang officemates nila, nagpunta sila sa gazeebo, may mga nag-iinuman at nagvivideoke
"Mahal ko, swimming na lang tayo" ani ni Matt
"Sige" at pumunta na sila sa tabing dagat, meron dun long chair at dun nila inilagay ang mga gamit nila, hinubad ni Leina ang cover up at magkahawak kamay silang lumusong sa tubig ni Matt, habang nasa dagat ay yakap yakap ni Matt si Leina, haplos pa nito ang dibdib ni Leina
"Mahal ko" ani ni Matt, tapos ay pinasok niya ang kamay sa shorts ni Leina at pinisil ang pisngi ng pwet nito
"Ay ang manyak ni Matteo" natatawang ani ni Leina
Natawa naman si Matt "Gusto mo naman"
"Gusto ko talaga pero sayo lang"
"Dapat lang, ako lang ang pwedeng magmanyak sa Mahal ko" sabay halik sa leeg nito "Ang Mahal ko, Leina ko"
"Mahal kita Matteo ko" ani ni Leina, hinalikan naman siya ni Matt sa labi at niyakap ng mahigpit.
"Balik na tayo Mahal, dun sa room natin"
"Ha? Swimming pa tayo"
"O sige 30 mins"
"1 hour na please" ani ni Leina
"Tagal naman Mahal"
"Sige na please"
"Sige na nga, pero dito ka lang sa tabi ko"
"Oo naman dito lang ako" sabay yakap kay Matt
"Mamaya na nga kita mamanyakin ulit" natawa naman si Leina
"Sige mamaya papamanyak naman ako sayo eh, iyong iyo ako"
"I love you"
"I love you too"