Tinawagan ni Minda si Ria nang makaalis si Ferdie
"Hello Ria"
"Hi Tita"
"Huli na Ria"
"What do you mean?"
"Kasal na sina Leina at Matt and buntis ang Leina na yun"
"What?!"
"Yes, ikaw ang nasa Pilipinas bakit wala kang alam?"
"Wala naman pong balita sa opisina"
"Kasal na sila sa Civil at hindi matutuloy ang Church Wedding sa December dahil for sure malaki na ang tiyan ng Leina na yun by that time"
"Gagawa pa rin ako ng paraan ng Tita"
"No Ria, wala na tayong magagawa pa"
"Meron Tita, sisirain ko sila"
"Bahala ka, labas na ako dyan, but If I were you, tatanggapin ko na lang na talagang sila ang para sa isat-isa, sige na Iha, bye" at inoff na nito ang phone, kanina habang kausap pa rin ni Ferdie si Matt, alam niyang masayang masaya ang anak, at hindi naman siya ganun kasama para sirain ang kaligayahan na yun ng nag-iisang anak, oo hindi niya gusto si Leina, pero kailangang tanggapin niya na parte na ito ng pamilya nila at wala na siyang magagawa dahil baka pati ang anak niya mawala sa kanya.
Gigil na gigil naman si Ria sa nabalitaan, inilihim nga kasi nila Matt ang Civil Wedding nila ni Leina, pero hindi siya titigil sisirain niya pa rin sina Matt at Leina, Lumipas pa ang mga araw, pinagresign na ni Matt sa opisina si Leina para less pagod na rin, si Matt ay magreresign na rin dahil nag aasikaso na siya ng business na itatayo niya, isang araw sabay silang naglalunch ni Aldrin nang lumapit si Ria sa kanila
"Hi Matt, can we talk?" ani ni Ria, tumayo naman si Aldrin
"Pre, sige una na ako" ani ni Aldrin, tumango naman si Matt dito at naupo si Ria sa tabi niya
"What do you want Ria?"
"Nothing, gusto ko lang mag-apologize sa lahat ng nangyari sa atin"
"Wag mo nang intindihin yun, okay lang, tutal okay na okay na ako ngayon at masaya na ako, magkakaanak na kami ni Leina"
"I know, pero sorry pa rin"
"Okay" ani ni Matt sabay tayo sa upuan "By the way I have to go now"
"Ahm, sige, pero can I talk to Leina?"
"Why?"
"Gusto ko lang mag-apologize sa mga nangyari, tanggap ko naman na hindi na ako ang mahal mo"
"Hindi ko alam Ria, siya lang ang makakapagsabi kung gusto ka niyang makausap o makaharap"
"Ahh okay"
"Honestly, kung magiging cause ka lang naman ng stress sa asawa ko, hindi ako papayag na magkaharap kayo"
"O-okay"
"Sige, I really have to go, bye" sabay talikod kay Ria, naiwan naman si Ria na nagngingitngit ang loob
Sa condo naman, dinalaw ni Aling Linda at Nene si Leina
"Hala, napakalaki naman ng unit ni Matt" ani ng mama niya
"Oo nga Ate Leina, ang laki ng bahay niyo" ani naman ni Nene
"Hmm, naiinip nga ako eh, lalo na pag mag-isa lang ako, wala namang magawa"
"Eh di sa bahay ka muna anak pag wala ang asawa mo, idaan ka muna ni Matt sa bahay tapos sunduin ka na lang niya"
"Sasabihin ko po kay Matt"
"Bukod sa pagkainip okay ka naman ba dito anak?"
"Opo naman po Mama"
"Anong ginagawa mo dito Ate?" ani ni Nene
"Wala, kung ano ano lang, punas punas, walis walis, ayaw naman ako payagan ng Kuya mo na maglaba, tuwing weekend na lang daw, siya ang bahala dun"
"Anak baka naman manasin ka sa ginagawa ng asawa mo"
"Kaya nga po eh"
"Sabihin mo na lang dun ka sa bahay pag wala siya"
"Opo Ma, o paano po? Dito na po kayo magdinner"
"Ano bang meron dyan? Ako na ang magluluto"
Tumayo si Leina, sumunod naman ang mama niya at si Nene, binuksan niya ang ref "Meron po ditong chicken, pork, shrimp, beef, may lapu lapu rin po"
"Steamed LapuLapu na lang tayo"
"Sige po Ma, ilalabas ko lang"
"Sige, gagawa ako ng dip, may mayo ka ba dyan at saka fresh milk?"
"Meron po"
"Carrots meron ka?"
"Meron din po"
"Sige ilabas mo yung mga yun"
Nagsimula nang magprepare si Aling Linda ng lulutuin, maya maya ay tumawag si Matt kay Leina
"Hello Mahal" ani ni Leina
"Mahal ko, kamusta ka dyan?"
"Okay lang, andito si Mama at si Nene"
"Ah ganun ba? Sabihin mo dyan na sila magdinner"
"Oo, nagluluto si Mama ng Steamed LapuLapu"
"Wow, sige magdadala na lang ako ng crema de fruta para may dessert tayo"
"Sige Mahal"
"Buti dumating sila Mama may nakasama ka"
"Oo nga eh, nawala ang inip ko"
"Hala kawawa naman ang asawa ko, naiinip"
"Oo kawawa ako"
Natawa naman si Matt "Sige malapit na ako Mommy Mahal ko"
"Sige antayin ka na lang namin dito asawa ko"
"Okay bye, I love you"
"Ingat ka, I love you too asawa ko" at inoff na niya ang phone
Maya maya ay dumating na si Matt, nagsasaing na lang sila, pagpasok niya ay hinalikan niya ang asawa at nagmano sa biyenan
"Buti po Ma napadalaw kayo ni Nene"
"Oo nga, namiss ko kasi ang anak ko"
"Mahal, pwede ba kina Mama muna ako kapag wala ka? Naiinip kasi ako, wala naman akong ginagawa dito"
"Walang problema dun Mahal ko, bago ako pumasok ihahatid muna kita kina Mama tapos dadaanan na lang kita pag uwi"
"Sige po Mahal ko"
Niyakap naman siya ni Matt "Ang importante sa akin ay masaya ka at si baby mahal natin" sabay himas sa tiyan ng asawa
"Kuya, ano yang dala mo?" ani ni Nene
"Crema de fruta Ne"
"Akina Kuya dalhin ko na sa mesa"
"O sige salamat" sabay abot ng dala niya
"Tita, tapos na yung sinaing kain na tayo"
Nagtawanan naman sila "Gutom na siya" ani ni Aling Linda
"In fairness Ma, nagkalaman laman na si Nene, lalo siyang gumanda" ani ni Matt
"Siyempre, lahi namin yun" ani ni Leina
"Talagang hindi papatalo sa hirit ang asawa ko" natatawang ani ni Matt
"Naman Matteo Ledesma"
"Oo nga Heleina Ledesma"
"Lika na kumain na tayo, gutom na si Nene" ani ni Aling Linda, pagdating nila sa dining ay nakasandok na ng kanin si Nene at nakaalis na rin ang takip ng ulam
"Gutom na rin ako" ani ni Leina "Ang bango Ma"
"Masarap yang dip na ginawa ko"
"Hmm, ang bango nga Ma" ani ni Matt "Thank you" sinandukan naman ni Matt ng pagkain si Leina "Kain ka lang Mahal ko"
"Thank you Mahal ko" ani ni Leina, masaya silang nagkwentuhan habang kumakain, pagkatapos kumain ay nagdesisyon na sina Aling Linda umuwi, pero hindi pumayag si Matt na hindi ito ihahatid kaya inihatid nila ng asawa ang biyenan sa bahay nito.