Kinagabihan, habang nanonood ng tv sa kwarto ang mag-asawang Leina at Matt, sinabi ni Leina na nagtext si Kendra at gusto silang makita ni Ria "Anong oras Mahal?" ani ni Matt "Sabi ko pagkagaling na lang sa school ng mga bata, iuuwi ko muna ang kambal" "Sige Mahal, sa ospital na lang tayo magkita bukas" sabay tingin sa asawa, niyakap niya ito at hinalikan sa pisngi "May problema ba?" "Mahal, wala lang, parang awkward lang kasi" "Wag mo na isipin yun Mahal, isipin na lang natin si Tintin" "Yun na nga Mahal, iniisip ko rin baka kasi malungkot si Tintin pag malaman niya ang sitwasyon ng Mommy niya" "Oo Mahal, sigurado yun, pero hindi natin pababayaan si Tintin" "Kinakabahan ako Mahal" "Bakit naman?" "Baka kasi kung ano ang hilingin ni Ria sa atin pag nakausap natin siya" Napangiti

