Magkasama sina Matt at Leina na umuwi, andun na rin ang mga anak nila, pinapasok muna nila ang mga ito sa kwarto, maya maya ay halos magkasunod na dumating sina Ria at Tintin pati na rin sina Ferdie at Minda "Tintin, punta ka muna sa room nila kambal, magplay muna kayo" ani ni Leina sa bata "Okay po" ani ng bata at pumasok na nga ito sa kwarto ni kambal "I want to know the truth" ani ni Matt Wala namang nagsalita sa kanila, nagkatinginan lang silang lahat maya maya ay nagsalita na si Ria "Sila ang may kagagawan kaya tayo nagkahiwalay" "Napakasinungaling mo talagang babae ka" ani ni Minda "Please wag na kayo mag-away, gusto ko lang malaman ang totoo" ani ni Matt "Nagkahiwalay kayo ni Ria nuon" ani ni Minda "Iniwan ka niya ng walang dahilan, naging kayo ni Leina pagkatapos kang iwan n

