Pagkalabas ni Sky ay inayos ko ang sarili ko. Tiningnan ko ang aking mukha sa salamin. Mukhang hindi ako umiyak. Siguro ay ginamitan ako ni Sky ng magic para umayos ang lagay ngayon. "Kayt?" tawag sa akin ni Hero. Ngumiti ako sa kaniya. "Oh?" sabi ko. "Kamusta ka? Okay ka lang ba?" tanong niya, sinusuri akong mabuti. "Okay naman ako. Mukha na ba akong stressed sa trabaho?" biro ko sa kaniya. Ngumiti siya kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko. "Maganda ka pa rin kahit anong mangyari. Lagi ka ngang blooming. Masaya ka, ano?" natatawang biro niya sa akin. Yumakap ako sa kaniya. Sobrang miss na miss ko na ang pagsasamahan namin. Limang taon dito sa mundo ng mga tao ay napakatagal kumpara sa Magical Vampire World. "Kawawa naman si Janel. Nag-open si Sky sa akin tungkol sa kaniya.

