Ilang araw na ang nakalilipas na hindi pa rin ako kinikibo ni Hero. Lalo akong mahihirapan nito. Napasubsob ako sa aking higaan. Dapat talaga ay iniisip ko muna ang mga sinasabi ng utak ko dahil, nakakasakit na pala ako ng damdamin. Tamad akong lumabas ng palasyo, lagi ko na lang nilalaro si Laykienne. Mukha na siyang isang taong gulang, pero months pa lang siya. Sobrang bilis talagang lumaki ng mga bampira. Si Khlynna ay Khrynna ay malalaki na rin. Mukhang 2 o 3 years old na. Parang kailan lang ay 19 pa lang ako, ngayon ay 22 na. Ang daming nangyari. Ilang araw din akong nagmumukmok noon sa palasyo, nagpapalipas ng oras. "Ate!" ika ng kapatid ko. Napangiti naman ako kay Laykienne. Kaunting words pa lamang ang alam niya, pero alam kong mas matalino sa akin ang batang ito. "Ang

