HERO's POV Limang taon na ang nakalilipas. Limang taon akong nagdusa at nagsisi dahil sa pagkawala ng mahal ko. Limang taon kong hindi natanggap ang nakaraan. Ngayon ay tanggap ko na. Tanggap ko nang hindi na siya babalik. Tanggap ko nang hindi talaga kami ang para sa isa't-isa. Minahal ko siya. Hindi iyon magbabago, pero tama nga sila, kailangan kong maging matatag. Kailangan ko ring sumaya dahil hindi matutuwa si Kayt kung lulunurin ko ang sarili ko sa pagmamahal sa kaniya kahit wala na siya. Paniguradong hangad niya ang kasiyahan ko. "Limang taon na ang nakalipas, Hero. Hindi ka pa rin ba nakaka-move on? I am sure, hindi magiging masaya si Kayt kapag nakikita ka niyang nagkakaganiyan," ika ni Janel. Huminga akong malalim. "I am fine. Tanggap ko na, Janel. Kakayanin ko,"

