MVA Chapter 44

1393 Words

Umalis saglit si Hero. Binilin niya na huwag akong aalis. Hindi naman talaga ako makakaalis, delikado pa para sa akin ang mag-isa dito. Wala akong sapat na kakayahan lumaban kung sakaling kinakailangan. Ngayon, si Eira ang kasama ko, pati ang baby niya. Nilalaro ko ang mga daliri ng baby niya. "Hindi ko pa makita kung sino ang kamukha niya sa inyo," sabi ko sa kaniya. "Baka siguro pagdating niya ng mga ilang buwan. Sobrang putla niya, nakuha niya ang kulay ko. Ang hiling ko lang naman ay maging healthy siya," ika niya. Kung tao ka, ang maputla ay sanhi na ng ibang masamang karamdaman. Napagkamalan pa nga ako na may sakit noon. "Ang lusog niya nga. Alagang-alaga mo. Baby pa lang, kita mo na ang ganda niya. Ang tangos din ng ilong niya. Haba ng pilik mata," puri ko sa baby niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD