Patungo si Juan Miguel at Calleigh sa sekretong lugar kung saan nila kakatagpuin si Atty. Alejo Aurora. Nang marating nila ang sinasabing gusali ni Atty. Aurora ay ipinarada ni Juan Miguel ang kanilang sasakyan sa gilid nito. “Dito na ba iyon?” tanong niya sa asawa. “Oo, sweetheart. Isuot mo na itong cap,” inabot sa kanya ni Juan Miguel ang sombrero. Naunang lumabas ng sasakyan ang kanyang asawa. Lumingon muna ito sa paligid kung may ibang tao na pwedeng makakita sa kanila. Nang masigurado nitong sila lang ang nandoon ay pinagbuksan siya ng asawa. Magkahawak kamay silang naglakad patungo sa pintuang bakal. Itinulak ni Juan Miguel ang pintuan, lumangitngit ito. Pagkapasok nila sa loob ay natanaw nila ang isang may edad na lalaki na nakatayo sa gitna ng silid. “Calleigh!” masayang usal n

