Pinapanood ni Juan Miguel ang mga kalalakihang nag-eensayo nang may tumikhim sa kanyang likuran. Nilingon niya ito at tipid na nginitian, kasunod nito si Albert. “Thank you for seeing me,” nakipagkamay siya kay Rome Henarez, ganoon din kay Albert. “Blanca told me that there’s something you want to discuss,” tugon nito sa kanya. “I need your help, Rome,” wika niya rito. Tumango ito at binalingan si Albert, “Tell them to get rest,” tukoy nito sa mga tauhang nag-eensayo. “Yes, Master!” yumuko si Albert kay Rome at bahagyang tumango sa kanya. Naiwan silang dalawa ni Rome. “Come with me,” yaya nito sa kanya at nauna na itong naglakad palapit sa isang sasakyan. Napakunot-noo siya, pero walang kibong sumunod rito. Nang makasakay siya sa passenger seat ay pinaandar nito ang sasakyan. Nadaa

