22 years ago, Pauwi na si Luis ng Romero Farm nang matanawan niya ang nakahintong sasakyan sa b****a ng farm. Kunot-noong ipinirada niya ang kanyang pick up truck sa unahan ng itim na BMW. Di man niya alamin ay kilalang-kilala niya ang taong nagmamay-ari ng sasakyan. Kinatok ni Luis ang bintana ng tinted na sasakyan. Dahanng-dahan na ibinaba ng driver ang bintana nito. “Amelinda,” mahinang usal niya. “Luis!” nakangiting wika nito. Naguguluhan si Luis kung ano ang ginagawa doon ni Amelinda, ang dati niyang kasintahan. Hinintay niyang makalabas ito ng sasakyan. Wala pa ding pinagbago ang dalaga. Ang abuhing mga mata nito ay nagniningning sa liwanag ng sikat ng araw. Ang porselanang kutis ng dalaga ay mamula-mula. Tumikhim siya, “Anong ginagawa mo dito Amel?” tanong niya sa dating kasi

