Nagtatakang napabangon si Juan Miguel, wala sa kanyang tabi si Calleigh. Sinilip niya ang crib ni Calix at masuyong hinaplos niya ang bumbunan ng anak. Lumabas siya ng kanilang silid, napansin niyang magliliwanag na ang paligid. Binuksan niya ang pintuan at natanaw niya ang kanyang asawa na nakatayo sa dalampasigan. Kunot-noong naglakad siya palapit sa asawa. Iniyakap niya ang kanyang mga bisig sa beywang nito, ipinatong niya ang kanyang baba sa balikat ni Calleigh. “Good morning, sweetheart,” masuyong bati niya sa asawa. “Good morning, JM,” mahinang usal ni Calleigh at ipinatong nito ang kamay sa kanyang mga kamay na nasa tiyan nito. “Hindi ka ba nilalamig? Masyado pang maaga, sweetheart,” wika niya sa asawa. “Hindi naman masyado, gusto ko lang pagmasdan ang pagsikat ng araw, JM,” tu

