"Huele delicioso, mi señora", mahinang bulong niya sa dalaga. (Smells delicious, my lady.) Abala ito sa kusina nang madatnan niya. Ginutom siya sa mabangong amoy ng niluluto nito. Blangko ang mukhang humarap ito sa kanya, “Wala si X dito, nagpunta sa bayan,” malamig na wika nito sa kanya na kinakunot-noo niya. “Hanggang ngayon ay nagtataka ako kung paano mo nalaman na hindi ako siya?” tanong ni Ezekiel sa dalaga. Hindi ito kumibo at kumuha ng serving plate. Isinalin nito ang nilutong adobong spareribs. Mabilis niyang binaba ang dala-dalang sports bag at agad siyang humila ng upuan at nakangiting titig na titig sa inihain nitong ulam. “Wala bang kanin?” nakangising sabi niya sa dalaga. Napabuntong-hininga ito at sumadok ng kanin. Inilapag din nito ang isang plato at kubyertos. Agad s

