“Hija kumain ka muna,” wika ng bagong dating na ginang. Tahimik na umiiyak si Calleigh, nakaalis na si Jackson papuntang New York. Naiwan ang dalaga sa pangangalaga ng mga estrangherong kaibigan ng binata. Ayon kay Jackson ay kasosyo nito sa negosyo ang may-ari ng isla. Bumukas ang pintuan ng silid at pumasok ang isang may edad na ginang. May dala-dala itong tray ng pagkain. Bumuntong-hininga ang ginang. Awang-awa ito sa dalaga. Halos hindi nakakain nang maayos ang dalaga simula nang dumating ito sa isla, panay lamang ang iyak nito. Nag-aalala siya dahil maputlang-maputla na ito. Nasabi na sa kanila ni Jackson ang nangyari kay Calleigh. Nadudurog ang puso niya sa pinagdadaanan nito ngayon. Pagkababa niya ng dala-dalang pagkain sa katabing mesa ng kama ay nilapitan niya ang dalagang tahi

