“JM, sandali lang naman ako, hindi ako magtatagal!” frustrated na pakiusap ni Calleigh kay Juan Miguel. Ilang oras na silang nagtatalo, ayaw siyang payagan nito. Nakatanggap siya ng tawag mula kay Tita Guada. Ayon sa mama ni Alex ay importanteng magkita sila nang araw na iyon. “If you want to see your friend, tell her to meet you in La Amelia’s,” muling giit ng asawa sa kanya. “JM naman! Magtataka iyon kung saan ako kumuha ng pambayad sa isang mamahaling restaurant. Isa pa, sandali lang talaga ako. Pupuntahan ko lang siya sa tinutuluyan niyang hotel,” nakangiting kombinsi niya kay Juan Miguel. Naiiling na masuyong hinagkan siya nito na kanya namang tinugon. Kinabig siya ni Juan Miguel papunta sa dibdib nito, “Okay, call me as soon as you get there,” sumusukong wika nito sa kanya. “

