“Tita Azon!” bulalas ni Sofia nang pumasok si Luke kasama ang isang may edad na babae. “Oh, Marie!” bakas ang pagkabigla nang makita si Sofia ng ginang. “Anong ginagawa mo dito kasama ka ba ni Calleigh? Nasaan ba siya at iuuwi ko na siya?” takang tanong nito. “Tita Azon!” tanging nausal ni Sofia sa tanong nito, di niya malaman paano ipapaliwaanag sa ginang ang sitwasyon ng kanyang kaibigan. Pero nagtataka siya kung paanong nalaman nito ang kinaroroonan ni Calleigh. Sigurado si Sofia na hindi ipapaalam ng kaibigan kung saan ito pupunta. Tumingin si Sofia sa mga kapatid niyang puno na pagtataka ang mga matang nakatitig din sa kanya. “Tita ikinalulungkot ko po na hindi po ako ang maaring magdesisyon kung makikita o maiuuwi ninyo si Calleigh,” malungkot na sambit niya sa ginang. “Sofía

