Halos isang oras din na nanatili si Calleigh sa loob ng museleo. Matiyagang naghintay sa kanya si Juan Miguel, maging sina Dimitri, Alex at DJ. Isang desisyon ang nabuo sa kanyang isipan, iyon ay ang ituloy ang mga plano nila upang masukol ang Lolo Simon niya at si Governor Almazan. “Maraming salamat, Dimitri,” sinserong sabi niya sa binata. “Matagal ko na dapat ginawa ito. Sana ay mapatawad ako ni Kuya Dominic sa nagawa kong pagkakait sa iyo na makita siya noon,” nagsisising tugon nito sa kanya. “Kalimutan na natin ang nakaraan, ang mahalaga ngayon ay makamit natin ang nararapat na hustisya para kay Dom,” tugon niya kay Dimitri. “Sigurado ka na ba sa desisyon mo?” muling tanong nito sa kanya. Marahan siyang tumango at nilingon niya si Juan Miguel na kausap sina DJ at Alex. “Hindi na

