Malungkot na nakatanaw si Dimitri kay Calleigh at Juan Miguel habang masaya ang mga itong nilalaro si Calix. “Hey!” bati sa kanya ni Alex. Nginitian niya ito, “Kumusta ang lakad mo?” “Naibigay na ni Atty. Crillo ang pera kay Don Simon,” tugon nito sa kanya. “Ngayon ko mas naiintindihan na napakahirap para kay Calleigh ang sitwasyon niya,” napabuntong-hininga siya. Nakapamulsang tinignan nito ang tanawing minamasdan niya bago ito dumating. “Lahat ng mga nakapaligid sa kanya ay may kaniya-kaniyang balak para sa pansirili nila,” naiiling na wika ni Alex. “Nakausap ko ang Papa, may tatlong personalidad ang nais ni Governor Almazan na makapasok ng bansa. Naipaalam ko na kay Juan Miguel at Roy ang detalyeng binigay sa akin ng Papa,” saad niya kay Alex. “Malaki ang operasyon ni Governo

