Hindi pa rin maka-move on si Dana sa ginawang panlalait ng chef Trish sa ginawa niyang cake. “Hey! Friend, what’s the problem. Ang lalim ng iniisip mo ah? May nangyari ba kanina?” tanong ni Rona. After kasi ng shift niya ay lumabas sila ng kaibigan niya, kasama ang boyfriend nito. Si April at si Rona ay parehong nasa LA, magkaibang ang trabaho nila doon pero sa iisang bahay lang sila nakatira. Si Rona ay isang manager sa isang company sa LA, umuwi sila ng Pilipinas dahil balak nilang mag-business ng boyfriend niya at habang nakabakasyon ay naghanap sila ng pwede nilang gamitin at nag-aayos ng mga dokumento sa ipapatayo nilang business. At si April naman ay nasa ika-tatlong taon na ng residency niya sa pagiging surgeon. At si Rose naman na fashionista nilang kaibigan na biglang na

