“Paano ba ‘yan, gabi na e. kailangan ko nang umuwi, salamat sa libre mo ah!” kinikilig niyang paalam sa lalaki.
“Wala ‘yon siguradong marami akong naging kasalanan sa’yo, kulang pa ‘yong binigay ko sa ‘yo.” Naka-ngiti nitong sagot.
Aalis na sana siya ng hawakan nito ang kanyang kamay, “Saglit, kung sungitan man kita ‘pag nasa school tayo, ngayon pa lang humihingi na ako ng paumanhin.”
“Huwag kang mag-alala, ngayon na naiintindihan ko na ang sitwasyon mo, wala nang kaso sa akin ‘yon,” saka niya ito binigyan nang isang matamis ng ngiti.
Natawa naman ito, “Salamat ulit, saka pwede ko bang makuha ang cellphone number mo?” alangin itong ngumiti.
At s’ya naman, magpapakipot pa ba s’ya e, s’ya nga ang nanligaw dito. Walang keme-kemeng binigay niya agad ang number. Hindi na niya papalampasin ang lucky day niya.
Halos hindi maalis ang kanyang ngiti hanggang maka-uwi sa bahay, hindi na rin niya halos napansin ang mga kapatid na nagtataka sa itsura niyang mukhang baliw na naka ngisi.
Dumiretso siya sa kanyang kuwarto at doon nagtitili, “Jusko ko rebisko! Ang sarap ng feeling ko, ahaaa!” saka nagpapa-padyak sa kama. Tumugil lang siya nang marinig ang tunog na parang nag-crack ang ilalim ng kama n’ya.
Halos hindi siya dalawin ng antok dahil hanggang sa mga oras na iyon ay kinikilig pa rin s’ya. Bigla siyang napatigil ng tumunog ang kanyang cellphone.
“Tulog ka na?” nagtaka naman siya kung sino ang nag-text na iyon sa kanya.
“Sino ito?” reply niya.
“Ay, sorry si Jean Claude ‘to!” nang mabasa ang text ng lalaki ay halos mapalundag siya sa tuwa, buti na lang at napigilan niya ang sarili, kung hindi ay baka masira ang kama n’ya.
Muntik na niyang mabitawan ang cellphone na hawak ng biglang tumawag ang lalaki.
Hindi niya malaman ang gagawin, nand’yang hawakan at ibaba ang cellphone, naka-dalawang tawag ito bago niya sinagot.
“Hello, Jean Claude, napatawag ka?” kinikilig niyang tanong.
“Wala naman, gusto ko lang siguraduhin kung naka-uwi ka nang maayos?”
“Oo, nakauwi naman ako ng maayos, Salamat,” kilig na kilig niyang sagot.
“Buti naman, mahirap na kasi sa panahon ngayon, maraming masasamang tao,” nagaalalang wika nito.
“Naku ‘wag mo ako’ng alalahanin, kayang-kayang ko ang sarili ko. Sa laki ng katawan kong ito hindi pa sila matakot sa ‘kin. Isang suntok kolang malamang basag ang bungo ng babangga sa ‘kin,” napangiti naman siya ng marinig niya ang pagtawa nito sa kabilang linya.
“Kahit na, babae ka pa din. Iba ang lakas ng lalaki kahit gaano ka pa kalaki. Kaya sa susunod ihahatid na kita.”
Oh my gosh! Ano itong narinig ko, may susunod pa daw... haaaaa! Tili niya sa isip.
“Salamat sa pag-aalala mo sa ‘kin!” aniya na halos mapunit na ang labi sa sobrang pagkakangiti.
“Naku wala ‘yon. S’ya nga pala sa weekends may gagawin ka ba?” tanong nito na nagpakaba sa kanya.
Ano ba ‘yan masyado na akong nagiging assuming! “Wala naman, bakit? Anong meron?” tanong niya.
“Wala naman, gusto lang sana kitang yayain, kumain. Naiinip kasi ako dito sa bahay, walang akong masyadong ginagawa,” anito.
“Sure, go ako. Saan ba tayo pupunta?” aniya na ayaw ng palampasin pa ang sobrang gandang pagkakataon.
“Kahit saan mo gusto, wala rin naman akong alam napwedeng puntahan e.”
“Sige, ako na maghahanap, i-chat ko nalang sa’yo kung saan tayo magkikita.” Aniya dito.
“Okay sige, matulog ka na at baka mapuyat ka pa!” pag-aalala nito.
“Sige. Good night” aniya na kilig na kilig.
“Good night, Dana.” Saka binaba na nito ang tawag.
Pakiramdam ni Dana ay nasa cloud nine siya ng mga oras na iyon, hindi siya makapaniwala sa nangyayari sa kanya. Kausap niya ang crush niya at sobrang sweet pa nito sa kanya.
Hanggang mag-umaga ay sobrang ganda ng mood ni Dana, maaga din siyang nagising at naghanda sa pagpasok sa school. Maging ang mga kapatid at magulang ay nagtakasa pagbabago niya.
“Ang ganda nang gising ng anak ko ah!” saka hinaplos ng kanyang papa ang buhok niya. “Anong meron?” tanong nito sa kanya.
“Wala pa, sinuwerte lang ako kahapon kaya ayaw kong lang masira baka sakaling magtuloy-tuloy ang swerte ko.” Aniya na hindi matanggal ang ngiti.
“Sana naman laging ganyan para hindi ako nala-late sa school,” biro pa ng bunsong kapatid.
“Naku, anak ‘wag mo nang punahin ang ate mo at baka mausog,” nangingiti na lang din ang mama nya sa nakikitang ganda ng mood n’ya.
Talaga naman na kakahawa ang pagiging maganda ang mood kung masaya ang mga kasama mo.
Kahit pagdating niya sa school ay nahalata din ito agad ng mga kaibigan.
“Ang ganda ng gising natin ah! Anong meron?” tanong din ng mga kaibigang nagtataka sa pinapakita niyang sigla.
“Wala naman, sinuwerte lang kagabi, sana magtuloy-tuloy at walang sumira sa ganda ng mood ko ngayon.” Aniya na nag-hmmp, hmmp pa.
Tumahimik ang lahat ng student na nasa loob ng Laboratory room na iyon ng pumasok ang kanilang Teacher, kasunod ang limang top student sa school. At syempre hindi mawawala ang nagpapa-saya sa araw niya ngayon, si Jean Claude.
Ngiting-ngiti s’yang nakatingin dito. Kita naman niya ang pagsimangot ng mukha nito.
“Hmp, pasalamat ka maganda ang mood ko ngayon,” bulong n’ya.
“Sshh— beshy wag kang maingay baka mapagalitan ka, at mawala ang ganda ng mood mo,” saway sa kan’ya ni Rose na katabi niya, si Rona at April naman ay nasa kabilang grupo.
Pinasulat ng kanilang Teacher ang pangalan ng mga grupo sa isang papel, saka bubunot ang bawat lider kung sino ang kanilang magiging member.
Halos lahat ay nabunot ng ang grupo maliban sa kanila at ang natitira na magiging leader nila ay walang iba kundi si Jean Claude. Na halos ikalundag nag puso niya.
Pumuwesto na sila sa kani-kanilang table, katabi n’ya ngayon ang lalaki na inaayos ang kanilang gagamitin. Chemistry class nila ngayon kaya sila nasa Lab.
“Hi, good morning!” bulong niya dito, na ikinakunot nito ng noo.
Tuloy lang ito sa ginagawa at hindi na s’ya pinansin. “Hmmp... sungit,” saka binaling sa iba ang tingin.
“Okay class, lalabas lang ako saglit, walang mag-iingay sa inyo. Ang mahuli kong nagiingay, deduction sa final score n’yo,” na halos sabay-sabay ang reaksyon nilang magka-kaklase.
“Grabe naman ‘yon Ma’am, sa final score talaga?” reklamo pa ng isang nilang kaklase.
“Wala nang maraming reklamo, hindi kayo mababawasan kung hindi kayo mag iingay. At ang basis ng deduction ay one for all, all for one, kaya kung may isa lang na mag-ingay sa inyo, lahat kayo may deduction.” Pananakot pa nito.
“Oooohhh! Ang lupit ni Ma’am.” Sigaw ng isa.
“Huwag nang maraming reklamo, hala kilos na. ‘wag ko kayong mahuhuling nag-iingay ah! Hindi ako nagbibiro, babawasan ko talaga ang score n’yo.” Anito sabay labas ng classroom.