Chapter 1

1228 Words
Kilig na kilig si Dana sa kanyang binabasa na romance pocket book, nasa magandang parte na s’ya ng binabasa nang biglang kinalampag ng ina ang pinto ng kanyang kwarto. “Dana, ano ba? Hindi ka pa ba kikilos d’yan, mala-late na kayo sa pagpasoksa eskwela?!” galit na sigaw nito. Hay, ano ba ‘yan si mama, panira ng moment,bulong niya na naiinis dahil sa nabitin ang kanyang pagbabasa. “Opo palabas na,” maktol na sigaw din n’ya. “Bilisan mo na, mahuhuli sa klase ang mga kaptid mo dahil sa’yo!” galit nitong utos. Nagmamadali s’yang lumabas dahil baka sa susunod na balik ng ina ay tuluyan nang masira ang pinto ng kwarto n’ya. Dahil napaka amasona ng kanyang ina taliwas sa kwento ng kanilang papa, ang mama daw nila ay campus crush at sobrang mahinhin ito kaya nga raw n’ya nagustuhan ang kanilang mama, at gano’n din ang ama na campus heartthrob din. Sila nga daw ang tinagurian campus crushes of the year. Samantalang s’ya, ayun mukhang kabaliktaran sa magulang, maganda ang mukha n’ya pero hindi ang katawan n’ya. Siya ang tinaguriang pound for pound queen sa kanilang school, kung ano’ng kinaliit ng katawan ng ina no’ng nag-aaral pa ito, s’ya namang triniple ng katawan n’ya, para s’yang balyena sa laki. Ilang beses na s’yang sinabihan ng ina na mag-diet pero hanggang plano lang s’ya dahil hindi n’ya kayang lumayo sa tukso, lalo na’t spoiled s’ya ng kan’yang papa na madalas pagtalunan nito at ng mama n’ya. Tatlo silang magkakapatid, ang kuya niya na nasa koleheyo na, at ang bunso na elementary pa lang at s’ya na malapit nang magtapos ng high school. “Dahan-dahan ang pagbaba mo, masisira ang hagdan” ngisi ng kuya n’ya sa pang-aasara sa kanya. “Ito talagang si ate napaka bagal kumilos, late na naman ako!” reklamo naman ng bunso nila. “Etona nga oh!” simangot niya. “Sa tagal mong kumilos hindi ka na nakapag-almusal pa,” singit ng kanyang mama. “Diet ako Ma, ‘wag ka nang mag-alala.” Sabay ngisi dito. “Naku!Diet daw. Ma, silipin mo yung bag ni ate ang daming pagkain, nakita ko kagabi nang ibigay ni papa sa kanya.” Sumbong ng kapatid n’ya. Sa inis ay kinutusan niya ang kapatid, “Pa-bibo ka din, e.” saka sinimangutan ang kapatid. “Inggit ka lang!” sabay belat dito. “Ako? Bakit ako maiingit sa’yo, hindi ko gustong maging kasing laki mo,” aniya sabay tago sa likod ng kanilang kuya. “Hahaha… bunso wag kang ganyan magsalita kay ate Dana mo, gusto daganan ka n’yan,” pang-aasar din ng kan’yang kuya. “Hindi pa ba kayo lalabas d’yan!” sigaw naman ng kanilang ama na naghihintay sa kanila sa labas ng bahay. Pag-karinig sa boses ng ama ay agad na kinuha n’ya ang bag at nagmamadaling lumabas dahil ayaw n’yang paghintayin kan’yang papa. Ang dalawang kapatid n’ya ay nasa likod na upo, s’ya naman ay nasa passenger seat katabi ng kanilang papa. “Anak, mag-seatbelt ka!” utos ng kanyang papa. “Pa, hindi po kasya!” aniya na pilit na ni-lock ang seatbelt. “Iipit mo na lang anak d’yan sa gilid para mukha kang naka seatbelt, para hindi tayo mahuli, saka humawak ka na lang nang mabuti.”masuyong sabi ng ama. Pigil naman sa likod ang tawa ng dalawa niyang kapatid na nag-iwas ng tingin sa kanya, dahil sa sama ng tingin niya napinukol sa mga ito. Pagdating sa classroom ay halos maligo na s’ya sa pawis, kaya bukod sa pagkain ay madalas baon niya ang kanyang uniform at sa pagpasok niya ay shirt ang kanyang suot. “Beshy, ano ba ‘yang itsura mo, mukha kang balyenang umahon sa dagat,” salubong ng kaibigang bakla na si Ronald aka. Rona. “Huwag mo muna akong kausapin, pagod ako,” aniya habang nagpapay-pay pagka-upo pa lang. “Woo, anong nangyari sayo, Beshy?. Para kang hippo na luganggang,” ani Rose na kararating lang din kasunod si April na nakangisi. “Hay naku beshy magpalit ka na nang damit mo, baka dumating na si Ma’am,” ani April sabay upo sa kalapit n’yang upuan. Sakto naman na pagbalik n’ya galing sa banyo ay dumating ang kanilang homeroom Teacher. Dahil hindi siya nakapag almusal ay ramdam niya ang pagkulo ng kanyang sikmura, kaya naman lihim n’yang kinuha ang pagkain na nasa bag n’ya. Dahan-dahan ang ginawa n’ya pagkain ng biglang tumuktok ang teacher nila sa white board. “Ano ‘yung naamoy ko na ‘yon, sino’ng kumakain sa inyo?!” galit na tanong nito sa kanila. “Ma’am, si Queen po ‘yon,” sabay turo sa kan’ya ng isa nilang kaklase. “Dana!” galit itong tumingin sa kanya, “Ilang minuto pa lang nagsisimula ang klase natin kumakain ka na? hindi ka ba nag-almusal sa inyo bago ka pumasok dito?” sabay-sabay naman ang tingin ng mga kaklase n’ya sa kan’ya. “Pasensya na po Ma’am, hindi po kasi ako naka pag-almusal e,” aniya na napakamot na lang ng ulo. “Ma’am diet daw po s’ya, kaso naisip n’ya hindi pala n’ya kaya kaya binaon na lang n’ya yung kusina nila,” sabay taas ng klasmeyt n’ya sa kanyang bag na puno ng pagkain, sa ginawa nito ay lalong lumakas ang tawanan sa loob ng classroom nila. “Tumahimik kayo!” galit na sigaw ng kanilang teacher, “Dana itago mo ‘yan!” “Yes Ma’am, pasensya na po!” nahihiyang napayuko na lang s’ya. Matapos ang mahabang paghihintay ay sa wakas tumunog na rin ang bell, hudyat na tanghalian na, oras na para pakainin ang alaga n’ya sa tiyan. “Grabe, guys yung tiniis ko pakiramdam ko mahihimatay na ako sa gutom. Kain na tayo dahil hindi na ako makakatagal pa,” aniya sa mga kaibigan at nilabas na ang kan’yang baon. Pati ang dalawang kaibigan ay nilabas na din ang baon maliban kay Rose. “Guys, hindi kayo pupunta ng canteen?” tanong nito. “Ano ka ba naman Rose, ilang beses ba naming sa’yo sasabihin na magbaon ka na para hindi na tayo nakikipag-siksikan sa canteen, eh!” pagalit ng kaibigang si Rona dito. “Besh, bilisan mo nang bumili, baka mamaya pagbalik mo tapos na kame,” aniya dito habang may laman pa ang kanyang bibig na halos hindi maintindihan ang sinabi Agad din naman umalis ang kaibigan, pero halos maubos na nila ang kanilang pagkain ay hindi pa din ito bumabalik. “Ang tagal namang bumalik ng babae na ‘yon, mauubos ko na ‘tong pagkain ko,’ reklamo niya. Maya-maya pa ay narinig na nila ang tili nito. “Haaaa… guyyysss— hahahha, hindi kayo maniniwala sa nakita ko,” anito na parang bulati sa likot. “Ano ba ‘yon, para kang kiti-kiti,” sita ni Rona. “Si Fafa Jean Claude, nakatabi ko sa canteen, haaaa,” saka tumawa itong parang baliw. Sa sinabi nito ay para namang nagpuso ang kanyang mata, saka biglang tumayo. “Gurl, tara samahan mo ako sa canteen,” sabay hila niya sa kamay nito. “Beshy, ‘wag na kasi nakaalis na s’ya. Ikaw kasi e, hindi ka sumama,” pagmamalaki nito. “Ewan ko sa inyo dalawa, ‘wag na kayong magpantasya dahil hindi kayo papansinin non. Laglag naman ang kanyang balikat na tinapos ang kinakain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD