Chapter 26

1660 Words
“Dana!” galit na tawag ni Chef Siri sa akin, saka lang ako natauhan sa pagkatulala sa harapan ni Claude. “Sorry Mr. Ros,” ani Chef sabay hila sa akin. Lahat ng tingin ay naka focus lang sa kanya, lalong-lalo na si Chef Siri na sobrang dilim ng anyo kung makatingin, na para bang nagsasabing maghanda na siya mamaya at malilintikan na siya. Medyo umingay na din dahil sa ibang bulungan at mga tawanan nila sa pagka-pahiya ko. “Ehheemmp!” tikhim ni Claude na nagpatahimik sa mga nagbubulungan. Tahimik ang lahat na nakikinig sa sinasabi ni Claude, pero siya nakatitig lang at hindi ito pinakikinggan. Hindi siya makapaniwala sa nakikita niya, gusto na niyang maniwala na talagang wala na ito, ang hindi niya maintindihan kung bakit sinasabi nila na wala na ito gayong nasa harap niya ito ngayon? Hindi niya na malayan na nakangiti pala siya, nang bigla siyang tabigin ni Jessie at binulungan. “Hoy, ano ‘yan? gusto mo talagang mapagalitan noh? Ang sama na nang tingin sa iyo ni Chef, umayos ka na at makinig.” Siko nito sa kanya na kinagulat niya. Matapos magsalita ng binata ay umalis na din ito at nagpunta na sa opisina nito ng hindi man lang lumingin sa kanya, kahit sulyap ay hindi nito ginawa. Nang hahaba ang leeg niya na sinundan ang paglabas nito, nang biglang humarang sa harap niya ang nakasimangot na si Chef Siri. “Hindi ba sinabihan na kita na huwag kang ma-le-late, at gumawa ka pa talaga ng eksana. Anong akala mo special ka dahil may kapit ka sa taas?” singhal nito sa kanya. Tahimik lang siya at hindi na sumagot pa dahil alam naman niya na may mali siya. Matapos siyang pagalitan ay nagsimula na sila ng kanya-kanyang trabaho. Sobrang busy nang araw na iyon, kinakapos na sila ng waiter dahil hindi nakapasok ang ilan sa kanila , kaya kinailangan niyang lumabas para mag-serve na din dahil may ilan nang nagrereklamo dahil matagal mai-serve ang kanilang order. Dahil sa pagmamadali ay natabig niya ang baso na may lamang champaigne at tumapon iyon sa mukhang mamahaling damit ng isang babae na nakaupo sa table na iyon. Halatang may pagkamaldita ang babae kaya naman agad siyang humingi ng pasensya, pero mukhang hindi siya makakaligtas sa sama ng titig nito sa kanya. “Hhhaaa, you fatty b***h!” galit na sigaw nito sa kanya. Nagpapadyak na rin ito at nakukuha na nito ang lahat ng atensyon ng mga tao sa loob ng restaurant. Sa pagkataranta ay kinuha niya ang kanyang bimpo at pinunas niya sa damit nito, malinis naman iyon pero pag punas niya dito ay lalong nagwala ang babae at saka siya tinulak, kaya na paatras siya at naitukod ang kamay sa kabilang lamesa, dahil sa hindi niya nakuha ang kanyang balanse ay napaupo siya at nahatak ang table clothe at lahat ng pagkain na nasa table na iyon ay natapon sa kanya. Nakita niya ang pagngiti ng babae sa nangyari sa kanya. Nakatanaw lang ang mga kasamahan niya nang magawi ang tingin niya sa kusina, walang gustong tumulong sa kanya, kahit ang mga tao na naka-saksi sa nangyari ay tumatawa lang at hindi siya tinulungan. Nahirapan siyang makatayo dahil sa mga pagkain na natatapakan niya kaya siya nadudulas at isang malakas na lagapak pa ang narinig ng mga tao dahil sa pagbaksak niya, na tuluyang nagpahagalpak sa mga ito. Sobrang nahihiya siya sa nangyari, kaya gumapang siya makalayo lang sa mga ito, at nang hindi na gaanong madulas ay saka siya muling sumubok na makatayo at patakbong pumasok sa kusina diretso sa likod ng restaurant. Pasalampak siyang naupo sa gilid at habol ang kanyang hininga dahil sa pagmamadali niya na makaalis sa loob, nauubos ata ang lakas niya ng patakbo siyang lumabas. At nang makabawi sa paghinga ay napatulala na lang siya, hindi niya alam ang iisipin at mararamdaman sa nangyari. Hindi niya maintindihan ang ibang tao, kung bakit parang isang malaking kasalan ang pagiging mataba o hindi kagandahan ang itsura. Sa kaso niya hindi naman siya panget, pero na-bu-bully pa din siya dahil sa sukat niya. “Bakit, mataba o panget may karapatan pa rin naman kame na igalang ah?” basta na lang lumabas sa bibig niya sabay naglandas ang maiinit na likido na nagmumula sa kanyang mga namumula ng mata. “Umiiyak ka? Bakit nasaktan ka? Totoo naman na mataba ka... huwag kang umiyak, ‘wag kang umiyak Dana!” napangiti pa siya ng mapait at marahas na pinunasan ang kanyang mga luha. Tumayo siya sakto naman na bumukas ang pinto at lumabas si Jessie. “Hoy Dana! Kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala? Ano ba ang nangyari doon? Lumabas lang akong may kaguluhan na agad akong masasaksihan” anito na may pag-aalala. “Wala iyon.” Sabi na lang niya dito. “Anong wala iyon, tingnan mo nga iyang itsura mo na parang lumublob lang sa kawa ng mga pagkain, para kang lechon na puro sarsa.” Napapangiwi ito habang pinapasadahan siya ng tingin. “Lechon talaga,” sabi niya saka kunwari ay natatawa siya. Pero sa totoo lang ay gusto na niyang umiyak sa harapan nito. “Tatawa-tawa ka pa diyan, bilisan mo na at umuusok na ang ilong ni chef at lumabas na din ang ugat noon sa leeg.” Saka siya nito tina-asan ng kilay “Bakit, pati na ba pagtawa may bayad na din?” pilosopong tanong niya. “Alam mo mamaya mo na itanong iyan, dahil umuusok na ang ilong ni chef Siri, pumasok ka na sa loob at maglinis ka na.” na ikina kunot-noo niya. “Paano naman ako malilinis dito, wala naman shower dito.” Sabi niya. “Girl, hindi ka maliligo. At sa mga oras na ito sanayin mo na ang sarili mo na bumubula at kinukula ng walang gamit na tubig at sabon.” pilosopo din nito bahay. Dahil ang tinutukoy nito ang kakaharapin niyang sermon mula kay chef. Napapailing na lang siya, at sinundan ang kasamahan na pumasok sa kusina. Pagkapasok pa lang niya sa loob ay ramdam na niya ang tensyon. Lalo pa siyang kinabahan ng makita niya si Claude na madilim ang anyon na tumingin sa kanya. Nakapamewang si Chef Siri na humarap sa kanya. “Dana ano na naman katangahan ang ginawa mo doon,” anito sabay turo sa labas ng kusina kung saan kumakain ang mga customer. “Paano kung hindi namin napakiusapan ang customer na iyon, problema na naman iyan?!” galit na galit nitong sabi sa kanya, konti na lang ay mukhang sisigaw na ito. “Ipaliwanag mo ang nangyari?” galit na tanong sa kanya ni Claude. “Claude hindi ko sinasadya ung nangyari, aksiddente iyon.” Paliwanang niya dito. “Nabalutan na ba talaga ng taba iyang utak mo kaya ka ganyan? Alam mo hindi na ako nagtataka kung bakit simple trabaho hindi mo magawa. Kasi kahit pag-address ng tama sa supperior mo hindi mo magawa ng maayos.” Galit nitong sabi sa kanya. Napatitig na lang siya sa binata, bakit parang ang kaharap niya ay si Clyde? The way itong magsalita pati ang mga panlalait nito ay parang si Clyde. Ito na ba ang matagal niyang kinatatakutan. “Chef Siri,” tawag nito kay Chef “I-Training mo ng mabuti itong mga tao mo, dahil kung hindi malilintikan talaga itong team ninyo.” Babala nito na lalong nagpainis kay Chef. “Sorry Mr. Ros, hindi na ito mauulit pa.” mahinahon nitong sagot pero masama ang tingin nito sa kanya. Napayuko na lang siya at hindi na lang niya ito pinansin, dahil sigurado naman siyang paalis ni Claude ay sesermonan siya nitong muli. Tumalikod na si Claude at humakbang palabas ng kusina na sandali itong huminto at lumingon sa kanilang muli. “Sumunod ka sa akin,” biglang sabi nito, hindi niya alam kung sino ang pinasusunod nito sa kanya dahil nga sa nakayuko siya ay hindi niya alam na siya na pala ang pinapasunod nito, kung hindi lang siya siniko ni Jessie ay hindi niya malalaman na siya pala ang tinatawag nito. Bigla naman siyang kinabahan dahil bakit siya pinapasunod ni Claude. Susunod na sana siya ng biglang hinlatin ni Chef Siri ang kamay niya. “Nag-iisip ka ba o sadyang tanga ka lang talaga, alam mo nanggigigil na talaga ako sa katangahan mo. Linisin mo muna iyang sarili mo bago ka sumunod kay Mr. Ros.” Galit nitong sigaw sa kanya. “Pero Chef wala namang shower dito?” sabi niya na hindi na nag-isip. Bigla nitong kinukom ang kamao nito at pigil ang sariling inamba ito sa kanya. “Hayyy, hindi ko na alam ang gagawin ko sa iyo Dana,” nanggigigil nitong sigaw sa kanya. “Wala talagang shower dito, pero baka na kalimutan mo, baka lang naman nakalimutan mo na may tubig diyan sa banyo, baka lang naman gusto mong punasan iyang sarili mo.” Anito na mas lalaong nanggigil sa kanya. Matapos makapaglinis ay nagpait na din siya ng damit, buti na lang lagi siyang may dalang extra. Saka siya nagtungo sa opisina ni Claude. Kakatok pa lang siya nang biglang bumukas ang pinto, pareho pa silang nagulat sa isa’t isa, ng makabawi sa pagkagulat ay niluwagan nito ang pinto at pinapasok siya. “Pasok,” sabi lang nito sabay talikod. Sumunod lang siya dito at naghintay kung may sasabihin pa ito, pero walang salita na may inabot ito sa kanya na flash drive. Nagtaka naman siya dito. “Sa bahay mo na iyan tingnan,” sabi nito na tila ba nahulaan nito kung ano ang itatanong niya. Tumango lang siya dito, “Makaka-alis ka na.” iyon lang ang sasabihin nito, aniya sa sarili. Pero bago pa siya tuluyang makalabas ay muli siya nitong tinawag. “Dana, sabay na tayong umuwi mamaya.” Iyong lang ang sabi nito ng lumabas siya na hindi matanggal ang ngiti sa labi niya. Kinikilig siya sa isiping sabay silang umuwi mamaya ng binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD