Claude's POV Hindi maintindihan ni Claude ang sarili, sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya parang nakita na niya ang pangyayari na iyon. Napatulala siya na nakatingin lang sa walang malay na si Dana. Habang ang mga tao ay tumatakbo papalapit dito, napatigil kasi siya sa paglapit dito dahil sa sobrang lakas ng t***k ng dibdib niya ay pakiramdaman niya ay hindi siya makahinga. Parang slow down ang pagbaba ng may-ari ng sasakyang nakahagip kay Dana, tumingin ito sa dalagang nakahiga sa simento, habang paikot-ikot ito at hinilamos nito ang palad sa mukha, at hindi mapakali. Nag-e-echo ang sigawan ng mga tao sa isip niya, at unti-unting bumalik sa alaala niya alang aksidente ilang taon na ang nakalipas. “Kuya, baka malate ako kasi may kailangan pa akong tapusin sa trabaho.” Pero ang totoo

