Chapter 7

1338 Words
Kaka-umpisa pa lang ng araw ni Dana ay gusto na niya agad itong hilahin upang mag-gabi na para makausap na niya si Claude, ang mabait at sweet na si Claude. At hindi itong makakasalubong n’ya na other half ng crush n’ya, ang masungit na si Clyde. Hayy buntong hininga n’ya. “Good Morning, Clyde!” bati niya saka ito binigyan ng matamis na ngiti. Napahinto naman ito na parang nagulat sa pagbati niya, pero saglit lang iyon dahil agad ding dumilim ang anyo nito at kunot-noo na tumitig sa kanya. “Beshy, ano ka ba naman, ‘wag mo na kasi siyang pansinin. Mapapa-away na naman tayo n’yan e, tingnan mo ang sama ng tingin,” bulong ni Rose sa kanya. “Ano ka ba, ayos lang iyan. Wala namang paki-alam sa ‘kin yan e,” aniya na hindi pinansin ang babala ng kaibigan. Aalis na sana sila nang bigla na lang siya’ng hilahin ng lalaki, dahil hindi inaasahan ang ginawang paghila ng lalaki sa kan’ya ay na out off-balance s’ya. Ramdam niya ang paghila nito sa kan’ya para hindi siya tuluyang bumagsak sa simento, pero dahil sa bigat n’ya ay hindi rin nito na pigilan ang pag-bagsak n’ya. Kaya naman tuluyan siyang lumagapak patihaya sa simento, buti na lang at umusad pataas ang kanyang backpack kaya doon tumama ang kan’ya ulo at hindi sa sahig. Dahil sa laki at bigat n’ya ay naging malakas ang tunog ng pagbagsak n’ya dahilan kung bakit napatingin ang mga estudyante malapit sa lugar. Na agad din naman naghagalpakan na nakatingin at tinuturo s’ya na hindi magawang makabangon na mag-isa. Tinulungan naman siyang makatayo ng masungit na si Clyde katulong ang kanyang kaibigan na si Rose. At bago umalis ang lalaki ay tiningnan muna siya ng masama saka umalis ng hindi man lang nagso-sorry. Gano’n ba kasama ang ginawa niyang pagbati dito kaya ganoon na lamang ang ginawa nito sa kan’ya? Na-iiling na sinundan na lang ito ng tingin. **** Matapos ang kanilang klase ay hindi muna sila umuwi, nag-stay muna sila sa canteen dahil nagugutom s’ya. Hindi kasi siya nakakain ng maayos kanina dahil iniinda n’ya ang kanyang balakang, napasama ata ang bagsak niya kaya sumasakit ito ngayon. “Hay, naku bakla ka tigilan mo na kasi ang lalaking ‘yon. Hindi ka talaga titigil noh? Hangga’t hindi ka nasasaktan ng sobra?” pangaral sa kan’ya ni Rona. “Naku beshy, makinig ka sa amin, ‘wag matigas ang ulo. Sa huli ikaw lang din ang masasaktan dahil d’yan sa pagpupumilit mo sa lalaking ‘yon.” Sang-ayon naman ni April kay Rona. S’ya naman ay tahimik lang, wala siya sa mood na pakinggan ang sinasabi ng mga kaibigan. “Guys, wait n’yo ako ah! Magsi-CR lang ako,” paalam sa mga kaibigan. Paglabas ng banyo ay may bigla naman may humila sa kan’ya at marahas s’yang pinasandal sa dingding ng banyo. “You—“ galit ang lalaki na nakatitig sa kanya at pati sa mata ay kitang-kita ang galit nito. Ano na naman ba ito? Ano ba’ng problema ng lalaki sa ginawa niyang pagbati ng ‘Good Morning’ dito. “Bakit mo ako tinawag na Clyde? Paano mong nalaman?” galit na tanong nito. “Ano ba? Bitiwan mo nga ako! Ano bang ang problema mo sa pagtawag sa’yo na Clyde?” galit niyang piniksi ang kamay n’ya. “Paano mong nalaman?” saka siya tinitigan ng masama, ganon ba ka-big deal sa lalaking ‘to ang pangalang Clyde. “Wala, gusto ko lang maiba. Ang laki ng problema mo ah?!” saka hinaplos ang kamay na nasaktan. “P’wede ba tigilan mo na ko, dahil kahit kailan hindi kita magugustuhan.” Saka isang matalim na titig ang pinukol sa kan’ya, “Huwag na ‘wag ka nang lalapit sa ‘kin, at itigil mo na rin ang pagtawag sa akin ng Clyde, naiintinihan mo?”galit na wika nito, saka iniwan s’yang nakatulala. Imbis na magalit ay lalo lang s’ya naawa sa binata, hindi niya alam kung ano ang nangyari dito para magkaganito ito. Kaya naman mas lalo tumindi ang pagna-nais niya na matulungan ito. Pagkatapos mag-banyo ay bumalik na siya sa mga kaibigan na nakahanda na sa pag-uwi. “Beshy, ba’t ang tagal mong bumalik?” tanong agad ni April pagkakita pa lang sa kanya. “Bilisan mo na,” sabay hila naman ni Rose sa kan’yang braso. “Aaagh—“ daing niya. “Beshy, bakit may pasa ang braso mo?!” nag-aalalang tanong nito. Pagtingin niya ay nakita niya ang balat ng kamay ni Clyde dahil sa higpit ng hawak nito kanina. “Ah... nadulas kasi ako sa banyo, kaya na itukod ko sa lababo. ‘Wag n’yo nang pansin mawawala din ‘to.” Pag-sisisnungaling n’ya. “Alam mong babae ka, napaka-lapitin mo talaga sa disgrasya. Tapos ikaw pa itong hindi marunong mag-ingat.” Napapailing na lang si Rona sa kanya. “Lapitin na nga ng disgrasya, pero lapit pa rin ng lapit sa dumidisgrasya,” saka makahulugung tumingin si Rose sa kan’ya. “Alam n’yo umuwi na lang tayo,” ngisi niya sa mga ito, sabay talikod. Naiiling na lang sa kan’ya ang mga kaibigan. Pag-uwi ni Dana ay nakita niya ang magulang at kapatid n’ya, ano’ng meron bakit ang tahimik? Aniya sa sarili nang biglang umiyak ang kan’yang mama. “Huhuuhuu! Bakit kailangang mangyari sa atin ito?” ani ng kan’yang mama sa pagitan ng mga hikbi nito. “Ma... Pa?” agad siyang lumapit sa mga ito, “Bakit po? Anong problema?” pero yumuko lang ang kanyang papa at hindi nagsalita. “Kuya?” baling niya sa kan’ya kuya na halata mong nagpipigil ng iyak. “Ano, walang magsasalita sa inyo?!” galit na niyang tanong. “Anak, huminahon ka, mamaya na tayo mag-usap magbihis na muna kayo,” saka nito inalalayan ang kanilang mama na tumayo, “Pagpapahingahin ko muna ang mama n’yo.” Bagsak ang balikat at hindi makapaniwala si Dana sa narinig na paliwanag ng ama. Naloko ang magulang niya sa isang investment scam, ang malala pa doon ay kaibigan pa ng mga magulang niya ang nanloko sa mga ito. at ngayon nanganganib na magsara ang kanilang restaurant dahil dito. Sobrang stress na ang magulang n’ya dahil sa nangyari. At kung hindi makakahanap ng investor ang mga ito sa loob ng isang buwan ay tuyuan ng isasara ang kanilang restaurant. Siguradong mahihirapan sila dahil mas maraming sikat na restuarant kumpara sa restuarant nila na hindi pa gaanong kilala. Dahil sa pag-aalala sa sitwasyon nila ngayon ay halos walang gana at matamlay si Dana. Wala siyang ganang lumabas, madalas ay nasa loob lang siya ng kwarto dahil ayaw niyang makita ang mga magulang na nahihirapan. Lalo na ang kayang ama sa sobrang pagod na, halos magkasakit na ito sa sobrang pagtatrabaho. “Anak,” tawag ng kanyang ama bahang kumakatok. Binuksan niya ang pinto, pagbukas n’ya ay parang gusto na niyang maiyak dahil sa laki ng pinayat ng kanyang ama. Napayuko na lang siya nang hindi niya mabigilan ang pagtulo ng kanyang luha. “Anak, bakit ka umiiyak?” hinaplos haplos nito ang kanyan likod. “Pa, sabihin mo lang kung anong pwede kong itulong, kung kinakailangan na huminto ako sa pag-aaral gagawin ko, para naman kahit papaano makabawas sa gastusin dito sa bahay.” Aniya na napapahikbi. “Ano’ng sinasabi mo, hindi ka hihinto. Kung gusto mong makatulong mag-aral ka nang mabuti, at maging matagumpay sa buhay, iyon nga ang dahilan kung bakit kame nagsusumikap ng mama n’yo para mapagtapos namin kayong magkakapatid sa pag-aaral e!” saka siya masuyong hinawakan sa balikat ng ama. “Anak, ‘wag mo kaming alalahanin ng mama mo, ang patuunan mo ng pansin ay yang pag-aaral mo. Makakaya natin ‘to, huh!.” Anito habang hinahaplos ang kanyang buhok. “Opo papa, pagbubutihin ko ang pag-aaral ko. Saka babawasan ko na rin ang madalas kong pag-kain nang sa ganoon ay mabawasan din ang gastusin dito sa bahay, magda-diet na ako!” determinadong wika niya sa ama na nagpatawa dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD