Chapter 58

1138 Words

Claude’s POV Malapit ng matapos mag-sayaw ang mag-ama, nang lumapit siya sa mga ito at nagbabakasakali na maisayaw niya ang dalaga dahil sa kagustuhang makausap ito. “Sir, can I dance with your daughter?” aniya sabay umang ng kanyang kamay dito. Tumigil naman ang mga ito sa pagsasayaw, “Sure, why not.” nakangiting nilipat nito ang kamay ng dalaga sa kanyang kamay. “Pa!” anang dalaga na halata sa tono nito na hindi sang-ayon at ayaw siyang makasayaw. Lumapit at bumulong pa dito ang ama nito, pero narinig pa din niya kasi nasa malapit lang siya. “Anak, palay na lumalapit aba’y tukain mo na,” napangiti siya sa sinabi nito saktong napatingin naman ito sa kanya at kaagad nanamula ang mukha nito. “Pa! kahit kailan—“ pero hindi na nito tinuloy ang sasabihin saka ito tumingin sa kanya muli.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD