Chapter 35 RISSY Umiiyak na ibinagsak niya pinto ng kwarto at napatitig sa litrato ng lalaking nag-aruga at nagmahal sa kanya. Totoong ibang-iba yata si Nick kaysa sa anak na si Zale, at sa lahat ng narinig niya ay hindi niya alam kung alin ang paniniwalaan pa o kung may totoo man lang ba sa lahat. Merong totoo roon, iyon ay ang katotohanan na nagmukha siyang tanga. Sa susunod na araw ay pupunta siya kay Attorney at isasampal niya ang waiver sa pagmumukha ni Zale para makabalik na iyon sa Virginia at maging masaya na. Baka naman miss na miss na no’n ang bruha dahil hindi na nakakapag-s*x ang dalawa. At siya, aalis na siya sa mansyon sa oras na matapos siyang makapirma sa lahat ng dokumento na magpapakuntento sa mga taong walang kwenta. “What did I do wrong? Wala naman akong ginaw

