Kabanata 1

1031 Words
Kabanata 1 Amy AGAD akong natumba ng itulak ako ng malakas ng step-mom ko. "A-Ano po ba kasalanan ko?" umiiyak na tanong ko, ang sakit kasi ng pagkaka tulak niya sa akin. Tila magkakaroon na muli ako ng panibagong pasa at sugat. "Tinatanong mo pang malandi ka? Akala mo hindi ko malalaman na nilalandi mo ang boyfriend ni Jasmine," sigaw nito habang sinasabunutan ako. Tila nademonyo si tita Joan dahil grabe ang p*******t ang ginagawa niya sa akin. "H-Hindi ko po alam sinasabi nyo," umiiyak pa rin na sabi ko habang pinipigilan ang kamay niya. "Tita, ang sakit na po. Tama na po," pagmakakaawa ko pa rito. Nananalangin na sana ay tigilan na niya ang p*******t sa akin. Ngunit kesa tumigil ay pinag sasampal pa ako. "Maang maangan ka pa talaga ha? Talagang may pinagmanahan ka, tulad ka rin ng nanay mong malandi," dahil sa sinabi nyang iyon ay para bang may sumapi sa akin at naitulak ko siya ng malakas. Ayaw na ayaw kong nadadamay si mama. Sabihan na niya ako ng masasamang salita huwag lang ang mama ko. "Aba talagang lumalaban ka pa ha!" pulang pula na sabi ni tita Joan, kaya naman natakot ako. Kumuha siya ng isang patpat at pinaghahampas sa akin, ramdam na ramdam ko ang sakit. Ilang beses akong nagmamakaawa na itigil na niya ngunit tila wala siyang naririnig. "T-tita tama na po," umiiyak na pakiusap ko, ngunit kesa tigilan ay mas nilaksan pa ang hampas sa akin. "A-ang sakit na po," humihikbi na saad ko rito ngunit ayaw naman n'ya akong pakinggan. "Talagang masasaktan ka sa akin na malandi ka!" galit na galit na sigaw nito sa akin at wala pa rin tigil sa ginagawa niya. Iyak lang ako nang iyak habang tinatanggap ang bawat hampas niya, wala naman akong magagawa kundi umiyak na lang. Awang-awa na rin ako sa sarili ko kasi wala rin akong magawa para lumaban sa kanila ng anak niyang si Jasmine. Ilang hampas pa ang natanggap ko bago ito tumigil, at kitang kita ko ang mga sugat na galing kay Tita. May bahid pa ng dugo ang ilang parte ng balat ko na tinamaan ng hampas niya. Tiningnan muna ni tita Joan ang estado ko bago nagsalita, "Iyan ang nararapat sayo! Stupid," gigil na gigil na sigaw nito bago umalis. Tuwing wala si papa ay laging ganito ang trato nito sa akin, pero kapag nandyan naman akala mo kung sinong maamong tupa. Isang pakitang tao lamang sila ng anak n'ya. Hindi ko nga alam kung bakit siya pa ang pinalit ni papa kay mama ko. Ugali pa lang ay napakalayo na. Hinang hina ako habang paakyat papunta sa aking kwarto, at doon nakita ko si Jasmine na nakangisi. Tiningnan muna ako nito mula ulo hanggang paa bago ngumisi ng nakakaloko. "Sabi ko naman sayo huwag mong aagawin ang akin," mapang asar na saad nito, kaya tiningnan ko ito ng masama. "Hindi ko kasalanan na may gusto sa akin iyang boyfriend mo!" matigas na sabi ko rito kaya naman nawala ang pagkaka ngisi nito. Agad ako nitong sinampal ng malakas, at parang namanhid ang pagmumukha ko dahil doon. "You b*tch, iyan ang nababagay sayo!" galit na galit na sabi nito sabay punta sa sarili niyang kwarto. Dumiretso na rin ako sa kwarto ko, at doon binuhos ko lahat ng hinanakit ko. Bakit ganito ang nangyayari sa akin? Bakit ako na lang lagi ang nasasaktan? Hindi ko ba deserve na sumaya? Pumunta ako sa banyo upang gamutin ang sugat ko, nang mapatingin ako sa itsura ko ay sunod sunod na luha ang pumatak mula sa mata ko. Awang-awa ako sa babaeng nakikita ko sa salamin. Sa harapan ko kitang kita ko ang mukha ko na puno ng pasa at sugat. Pati ang braso ko ay merong dumudugong sugat. Kinuha ko ang alcohol at bulak upang linisin ang sugat ko. Habang dumadampi ang bulak sa balat kong may sugat ay ramdam na ramdam ko ang hapdi nito. Kinagat ko ang ibabang labi ko upang pigilan ang hikbing gustong lumabas sa mga bibig ko. Gusto ko sanang sabihin kay Papa itong ginagawa nila sa akin, ngunit ayaw ko namang maging dagdag sa problema niya. Meron kasing malaking problemang hinaharap ang aming kompanya kaya ayaw ko ng dumagdag pa roon. Hindi ko na kayang makita na nahihirapan si papa, siya na lang ang meron ako. Siya na lang din ang kakampi ko sa mundong mapanakit. Tumingin na lang ako sa litrato namin, ako, si papa at si mama. Siguro kung hindi lang na-aksidente at nawala si mama, masaya siguro kami ngayon. Siguro wala kami masyadong problema at hindi ako makakakuha ng sakit mula sa step-mother at half sister ko. Sana nandito si mama para meron akong tagapagtanggol kapag wala si papa. Bata pa lang ako ng mawala si mama, nasawi siya sa isang aksidente, kaya naman sobrang lungkot naming dalawa ni papa. Pero makalipas lang dalawang buwan ay kasama na ni papa si tita Joan at ang anak nito na si Jasmine. Galit na galit ako kay papa kasi dalawang buwan pa lang na nawala si mama ay napalitan na agad niya. Pero pinaintindi naman sakin ni papa ang lahat. Sabi n'ya ay kapatid ko raw si Jasmine at natuwa naman ako don dahil sa wakas ay may kapatid na ako. Matanda ako ng dalawang taon kay Jasmine at bata palang kami ay malayo na talaga ang loob niya sa akin. Pati rin si tita Joan, noon pa man tila ay ayaw n'ya na sa akin. Mabait lang siya sa akin kapag nandito si Papa. Napapangiti na lang ako habang inaalala ang mga pangyayari na iyon. Sobrang bilis ng panahon at ngayon ilang taon na lang ay makakatapos na ako. Konting tiis na lang ay makakalayo na rin ako sa mga taong umaapi sa akin. Nilibot ko muna ang paningin ko sa buong kwarto bago mahiga. At doon nakita ko ang mga lumang litrato kasama ang aking pinakamamahal na ina. Unti-unti akong pumikit habang may natulong luha mula sa mata ko. Mama miss na miss na po kita. May pumatak muling luha galing sa aking mata. Sana matapos na ang mga problemang ito. Dahil baka ako ang matapos kapag hindi nawala ang mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD