"TAHAN na, Julia, please..." mangiyak-ngiyak ng pakiusap ni Julienne sa anak. Hating-gabi na pero gising na gising pa rin ang kanyang anak. Iyak ito nang iyak. Hindi mapakali. Ganoon rin naman ang pakiramdam ni Julienne. Though alam naman niya na parte ng pagngingipin ni Julia ang dahilan ng pag-iyak nito ay hirap na hirap pa rin siyang patahanin ito. Pagod na pagod na siya. Maaga siyang gumising kanina kaya naman antok na antok na siya. Mag-aalas onse na ng gabi. Anim na buwan na si Julia kaya may pagkamabigat na ito. Napakaligalig nito. Gusto nito ay palagi rin na buhat. Wala siyang makatulong sa pag-aalaga ng anak kaya talagang nahihirapan siya. Nang manganak si Julienne ay pinayagan na siya ng mga magulang na lumipat sa iisang bahay kasama si Axel. Hindi niya sigurado pero naisip niy

