Natataranta akong bumangon nanag makitang alas nuebe nan ang gabi at nandito pa rin ako sa kuwarto ni senyorito Javier, h***d na nakahiga sa higaan niya. Hindi ito tama! Ang bobo mo, Isabella! Nagpadala ka nanaman. Bakit baa ko nawawala sa tamang katinuan kapag malapit siya?!
Napaigik ako nang kumirot ang p********e ko nang bigla akong tumayo. Nanubig ang mga mata ko nang makita ang dugo sa higaan ni Javier. Hindi ito maganda.
Ininda ko ang sakit na nararamdaman at dali-daling sinuot ang damit. Bago pa amn ako matapos sa pagsuot ng damit, bumukas ang pinto at pumasok si Javier na may dalang tray ng pagkain.
"S-senyorito. Kailangan ko nang umalis. Pasensya na" naiiyak kong saad at mas nagmadali pa. Nang napadaan ako sa gilid niya, pinigilaan niya ako't hinatak ang braso ko pabalik sa higaan.
"I know you're sore. Eat up" naiiyak ko siyang tiningnan. Kinakabahan ako, paano kung malaman nila? Hindi pwede. Madidisappoint si senyora saakin, sa lahat ng naitulong niya saakin at kay nanay, ito ang isusukli ko?"
"Don't worry, I covered up for you. Now, eat up" napabuntong-hininga siya nang patuloy pa ring tumutulo ang luha ko. Ang tanga tanga ko kasi!
"Shhh. I won't let you get in trouble ok? I'm here, so eat up. You have to rest first because you're still sore" tumango ako at nagsimulang isubo ang pagkaing dala niya. Napangiti siya at sinuklay ang buhok ko gamit ang kamay niya. Inalis niya ang mga hiblang tumatabing sa mukha ko.
Pagkatapos kong kumain, aalis na dapat ako para ddalhin ang pinagkainan sa baba pero pinigilan niya 'ko. "Sleep. I'll bring this downstairs. You'll sleep her tonight" Gusto kong tumanggi pero naisip kong tam ana rin at baka mahirapan pa ako sa pagtatanggo ng sakit ng pagkababe ko o di kaya'y mapansin nina manang o nina Marie at baka anon a namang masabi.
Humiga ako sa dati kong puwesto at pinilit na matulog. Inayos ni Javier ang kumot at lumabas ng kwarto. Tsaka naman ako nakahinga ng maluwag at inisip ng Mabuti kung ano ang susunod na gagawin. Hindi pupwedeng magpatuloy ito. Tama nang nangyari ito ng isang beses.
Nagising ako ng maaga, wala pang araw. May mabigat na nakadagan saakin. Minulat ko ang mata ko at nakita ang braso at binti ni Rafael na nakadantay saakin. Dahan dahan ko itong inalis at dali daling inayos ang sarili at lumabas.
Lumingon lingon ako sa paligid. Mabuti nalang at wala pang gising ngayon. Dumiretso ako sa sarili kuwarto para kumuha ng bagong pamalit at naligo. Medyo masakit pa ang pagkababe ko pero bahala na.
Kailangan ko na talaga siyang iwasan. Hindi pwede 'to.
"Oh, ang aga mo yatang nagising? Mukhang natagalan ka sa paglilinis ng kuwarto ni senyorito kahapon, kaya nga dadalhan san akita ng pagkain kaso nagpresinta ang senyorito na siya na ang magdadala. Anong oras ka ba natapos?" namutla ako sa sinabi ni manang. Kinakabahan ako baka may napansin siyang kakaiba, o dikaya'y may masabi akong ikakapahamak ko at ni Javier.
Pinilit kong ngumiti. "A-ah gabing- gabi na ho ako natapos kasi p-pinaayos rin ni Ja--- este, ni senyorito ang damitan niya. Marami rami rin akong tinuping damit manang" napahinga ako nang maluwag nang bumenta kay manang ang palusot ko. Nakokonsensya rin ako sa pagsisinungaling sakanya pero Mabuti na rin 'to nang walang manghinala. Kailangan ko na ring ibaon sa limot ang nangyari kagabi. Pero siguradong hindi ko magagawa 'yon ngayon dahil sa kirot na nararamdaman ko sa baba.
Paika-ika kong ginawa ang trabaho ko sa umagang 'yon. Mabuti nalang at hindi pa rin nagigising si Javier hanggang sa matapos ko ang trabaho ko. Hindi na ako kumain ng tanghalian at dumiretso na sa sariling kuwarto. Pagod na ang katawan ko, at napakahirap gumalaw kaya gusto ko nalang magpahinga.
Ninanamnam ko ang katahimikan ng kuwarto. Ginamit ko ang pagkakataong 'to para pag-isipang Mabuti ang susunod na gagawin. Nagtagumpay ako sap ag-iwas kay Javier ngayon, lalo na't hindi pa siya lumalabas ng kuwarto pero paano nalang sa susunod na mga araw?
Nalunod ako sa mga iniisip at hindi namalayang may nakatayo na pala sa hamba ng pintuan ko.
"Why did you leave my room so sudden?" mabilis akong napaupo ng marinig ang baritonong boses ni Javier. Nanlaki ang mata ko't dali dali siyang hinila papasok sa kuwarto ko. Baka kasi biglang pumasok sina Marie sa maid's quarter at kung ano pang isipan kapag Nakita ang senyortio sa kuwarto ko.
"Ano ba?! Hindi ka puwede rito!" sinigurado kong nakalock ang pinto bago nilapitan si Javier na naka halukipkip sa tabi ng higaan ko.
"Why not? This is my house so technically, I can do whatever I want." Napapadyak ako sa iritasyon pero tinigil ko rin kaagad dahil kumirot nanaman ang baba ko.
Sinuri niya ang kuwarto ko habang sinusundan ko lang siya ng masamang tingin. Binuksan niya pa ang drawer sa tabi ng higaan ko at inilabas ang sketchbook.
"You draw. No.. you make designs?" tumango ako. "Nice."
Pinagpatuloy niya pa ang pagsuri ng lugar. Wala naman masyadong makikita rito sa kuwarto ko. Dahil maliban sa maliit, wala nang ibang laman kundi isang aparador, higaan at ang side table.
Umupo siya sa higaan ko at tinapik ang espasyo sa tabi niya.
"Come. How do you feel?" dahan dahan akong lumapit at umupo. Nag-iwan ako ng maliit na espasyo sa pagitan namin. Mahirap na baka anon a naman ang mangyari.
"Move closer." Naiirita niyang saad.
"Ayoko" sabi ko sabay lingo. Napahilamos siya nang mukha at kusang lumapit sa tabi ko. Wala nang espasyo sa pagitan naming at amoy ko ang pabango niya sa puwestong ito. Biglang pumasok sa isip ko ang nangyari kagabi. Naramdaman kong uminit ang buong mukha ko. Kailan ka ba natutong humarot? Tumigil ka nga! Ang dumi ng isip mo.
"Do you feel sore?" dumampi ang mainit na palad niya sa hita ko. Tumayo ang mga balahibo ko sa katawan dahil sa paghaplos niya.
"Hindi naman." Hindi ko na kayang tumingin sa gawi niya dahil hiyang hiya ako sa lahat ng iniisip ko ngayon. Maging sa reaksyon ng katawan ko sa simpleng hawak niya. Malala na nga 'to.
"Sure? May I touch it?" mabilisan akong tumayo at lumayo sa kanya. "HINDI PWEDE!" nahihiya kong iniwas ang tingin sa kanya at niyuko ang ulo. Tumawa siya nang kaunti at tumayo. Naglakad siya patungo sa gawi ko pero patuloy akong umaatras. Hangga't maari, ayaw kong lumapit sa kanya lalo na't nasa mag-isa lang kami sa kuwarto ko.
"My Bella is shy. Don't worry, mi amor. You're beyond beautiful" bulong niya saakin gamit ang mapang-akit na boses. Napatalon ako nang may pdabog na kumatok sa pintuan ko. Ngumisi lang si senyorito habang dali dali ko siya tinulak sa likod ng pinto bago binuksan ng konti.
"Bertha? Bakit?" nanginig pa ng kaunti ang boses ko. Masama akong tiningnan ni Bertha.
"Pinapatawag ka ni senyora. Ano ba kasing ginagawa mo riyan sa kuwarto mo?! Buwisit na 'yan, nautos pa tuloy ako para tawagin ka walang kuwenta." Pairap siyang tumalikod. "Excited naman 'yang pumunta kay senyora para magpasipsip ulit. Kairita." Pagpaparinig niya pa bago padabog na isinara ang pinto ng maid's quarter. Napabuntong hininga nalang ako at isinara ang sariling pinto.
"Is that how she always talk to you?" mababang sabi ni Javier. Madilim ang uri ng tingin niya, at nakasalubong ang kilay.
"H-hindi naman. Hindi lang siguro siya nakatulog ng maayos" tintitigan niya pa rin ako ng pagdududa. Mabuti nalang at hindi na siya nang-usisa ulit.
"Pupuntahan ko muna si senyora. Dito ka lang, o di kaya's wag kang magpapahuli paglabas mo, Javier. Ayokong mapahamak tayong dalawa." Hindi siya sumagot kaya lumabas na ako kaagd.
Pinilit kong pakalmahinn ang sarili bago pumasok sa kuwarto ng senyora. Kung ikukumpara sa kuwarto naming mga kasambahay, siguro dalawampung beses ang laki ng kuwarto ni senyora. Puno ng mga gold na bagay ang kuwarto at lahat ay halatang mamahalin.
"Senyora? Pinatawag niyo raw po ako?" Kinakabahan kong tanong. Alam niya ba? May alam na ba siya? Nahuli niya kaya kami ni Javier?
"Isabella, hija!" maligayang bati niya saakin. Bumeso siya saaking at dinala ako sa maliit na bilog na coffee table niya sa kuwarto at pinaupo.
"Hija, alam kong mahilig kang gumuhit at magdisenyo ng mga damit. Palaging pinagmamalaki ng nanay mo noon ang talent mo." Napangiti ako sa sinabi ni senyora. Nawala naman ang mabigat na nakadagan saakin kanina. Nawala na rin ang kabang naramdaman ko.
"I'll be attending a Charity Gala 2 weeks from now. I want you to design my gown." Hindi ako makapaniwala sa narinig ko.
"Po?" baka mali lang ang pagkakarinig ko. Imposible.
"I want you to make the design for my gown on a charity gala where famous personalities would attend. Please?" nakanganga ko lang na tiningnan si senyora. Hindi ako makapaniwala. Namasa ang gilid ng mga mata ko.
"Talaga po? S-salamat senyora. Salamat po" naiiyak kong sabi. Hindi naman siya nag-atubiling yakapin ako.
"huwag ka nang umiyak" natatawa niyang sabi. "I should thank YOU for agreeing. It's a pleasure to wear a gown designed by a very talented young woman" sobrang saya ko. Ito na yata ang pinakamasayang araw sa buhay ko.