"Pearl canteen tayo!" anyaya sa akin ni Andrew, isa sa mga kaklase ko. Nanligaw to sa akin dati eh! Nung first year kami pero ewan ko ba sa sarili at hindi ko to sinagot, edi sana may taga libre na ng pagkain ko!
"Sasama sa akin si Perla! Tumigil ka Andrew!" singit naman ni Alexa. Napangisi ako dahil makakalibre ako sigurado ng pang lunch! Pero ngumiwi din dahil sa pagtawag sa akin ni Alexa.
"Sige ba, kahit kanino basta may libre gora!" sambit ko na nagpatawa kay Alexa. Napakamot naman sa batok si Andrew bago sumagot.
"Eh palagi naman na kayong magkasama ni Pearl, Alexa eh! Kami na naman oh." saad nito ngunit tinapunan lang iyon ng masamang tingin ni Alexa.
Mayayaman ang mga kaklase ko. Mga galing sa maperang pamilya, ang swerte ko na nga kay Alexa dahil kahit mayaman ito ay kinakausap pa rin ako. Madalas akong ilibre ng mga kaklase, kapag nagpapagawa sila ng assignments, activities or projects sa akin, nililibre nila ako ng pagkain bilang kabayaran pero madalas pera ang hinihingi ko para may pang allowance at pambili ng mga matrikula.
May mga bully din naman sa school, totoo ang mga nakikita sa tv na yung mahirap na studyante ay binubully ng mayayaman pero hindi ko iyon naranasan. Subukan lang nila at hindi ko sila aatrasan no! Kaya kong lumaban kapag nasa katwiran ako, kapag alam kong tama ako o na agrabyado ay hindi ako papatalo.
Wala din naman akong kaaway sa school, nilalayuan ko kasi ang mga siga dito na feeling queen bees ganun, jusko may ganun pa sa college opo!
"Anong gusto mong lunch Perla?" napangiwi ako dahil mahilig talaga siya sa pangalang iyan.
"Alam mo Alexa, Pearl Andrea ang pangalan ko, baka naman pwede isa sa dalawang magandang pangalan na iyan ang itawag mo sa akin no?! Tanginang Perla yan, amoy baretang sabon!" pag angal ko na tinawanan lang ng babaita. Kasalukuyan kaming nakapila dito sa canteen. Naka aircon ang canteen nila pang high class! Kaya maganda din tumambay dito eh.
"Whatever Perla!" saad pa rin ni Alexa at inirapan pa ako abah!
"Umirap pa nga! Pasalamat ka ikaw magbabayad sa tanghalian ko eh nakuu kurutin ko yang singit mo diyan hmp!" saad ko kaya may mga lumingon sa amin ni Alexa. Tinawanan lang namin iyon.
Marites!
Dinamihan ko na ang pag order. Pati hapunan na to no! Hindi na ako kakain mamayang gabi. Nakasimangot ang kasama ko habang malaki ang ngisi ko dahil paniguradong busog ako ngayon.
"Hindi ka pa nahiya Perla, inorder mo nalang sana ang lahat ng pagkain dito sa canteen!" pagmamaktol nito. Tinawanan ko lang dahil nasanay na din ako sa kaniya. Magkaibigan na kami simula first year kaya kilala na namin ang isa't isa.
"Ay? teka oorder pa ako." sambit ko at akmang tatayo sa upuan pero mabilis na hinila ni Alexa ang kamay ko. Nakakatawa ang hitsura nito. Lukot ang mukha at nakabusangot.
"Kumain na nga lang tayo! Tama na yang order mo. Can you even ubos that lahat?!" sambit ni Alexa at nagsimula ng kumain.
"Syempre kaya ko no, kasama na dito ang hapunan ko!" saad ko at nagsimula na ding kumain, shet! ang sarap talaga kapag libre! Inorder ko yung spaghetti, beef steak with mushroom syempre may kanin na kasama iyon dalawang order, may caldereta rin tsaka chicken fillet, at pork steak! oh diba? punong puno ang table namin dahil sa inorder ko. Habang half rice lang at beef steak ang order ni Alexa! Jusko nakakabusog ba yun?!
Pinagtitinginan siya ng ibang studyante sa canteen dahil sa order niya. Tapos ng kumain si Alexa kaya hinihintay niya na lang ako.
"Thank you sa lunch! Shet! Sana maulit." nakangisi kong saad but she just roll her eyes at me.
"Don't worry, kapag ako yumaman na, hindi kita kakalimutan promise!" dagdag ko at tumawa. Madami akong kumain pero hindi talaga ako tumataba, ewan ko ba saan nilalagay ng katawan ko ang lahat ng kinakain dahil sexy pa rin ako. Big flex iyon! Malaki at malulusog ang dibdib ko siguro doon napupunta ang sustansiya.
"Oo na! Let's go na sa next class natin. It's sir Magnus again oh my gosh! I need to retouch and be fresh." sambit ni Alexa. Kumabog na naman ang dibdib ko pagkarinig lang ng pangalan ni sir at naalala ang nangyari kagabi.
Siguro lasing lang ang isang yun no?!
Mukha namang hindi ako naaalala nun..
Act normal Pearl Andrea!
Dumaan muna kami sa cr at nag retouch si Alexa. Ang totoo niyan ay hindi na nito kailangang mag retouch dahil fresh pa rin itong tingnan at sobrang ganda ng skin! Pinilit niya din akong gamitin ang gamit niya kaya ginamit ko na! Makapal ang mukha ko eh! Tsaka branded iyon!
Tinapos ko ang pag aayos sa sarili sa paglalagay ng lip gloss. Shet! Ang ganda ko talaga!
I love you self mwa!
Halos halikan ko na ang salamin dahil sa nakikitang repleksiyon. Maganda naman na ako kahit walang ayos no! Pero mas maganda kapag naka ayos hays, kaya kailangan kong maging mayaman talaga.
Saktong pagliko namin papunta sa room ay nakasalubong namin si sir Magnus. Lumukso ang puso ko at parang hinahabol ng kay daming kabayo ng magtagpo ang mga mata namin. Nakakapanginig tuhod talaga kung tumitig ang lalaki na toh! Hinawakan naman ni Alexa ang kamay ko ng mahigpit at hinayaan ko nalang, ganyan talaga iyan kapag may nakikitang gwapo at hot. Halos lahat ng ng pogi sa school ay crush niyan eh.
"Good afternoon sir!" sabay naming bati ni Alexa at huminto sa harap ng pintuan upang paunahin si sir Magnus na pumasok.
"Mauna na kayo." baritono at nakakalaglag panty nitong saad sa kanila. Tangina! Ang sexy talaga ng boses! When kaya maririnig umungol si sir? Charot!
Tumango ako at ngumiti kay sir, hinila ko na din si Alexa na parang natuod sa kinatatayuan.
Ang bango!
Bahagya pa akong napapikit dahil sa perfume nitong halatang mamahalin, sobrang bango! Pang lalaki iyon at hindi masakit sa ilong. Nakakaadik pa nga eh.
Mabilis silang umupo sa kadalasang pwesto.
"Open your computers." seryosong saad ni sir Magnus. Kaya mabilis silang sumunod.Habang hinihintay na mag open ang PC ko ay tinitigan ko si sir, sobrang gwapo talaga nito. May girlfriend na kaya ito? Narinig ko dati na wala daw pero impossible namang wala, baka nilolowkey lang. Tsaka 28 years old na ito kadalasan sa kaedad nito ay may asawa at anak na!
"I already posted your scores in the last activity we had, I want you to write it in a piece of paper and pass it to your President." Napasimangot agad ako sa sinabi ni sir. Ako ang class president ng klase kaya matatagalan na naman akong makauwi nito. May trabaho pa ako eh! Kainis naman.
"Ms. Avila." halos lumabas ang puso ko sa dibdib ng marinig ko ang apilyedo ko na binanggit ni sir.
"Sir?" tinaas ko ang kanan kong kamay. Nabaling naman ang madiing titig sa akin ni sir Magnus.
"Bring the papers in my office later." saad nito kaya tumango ako at ibinalik ang tingin sa computer.
"Activity number 5 is already posted, answer it first before you leave this lab." dagdag ni sir. Bumaling ako kay Jason, ang kaklase kong mas malapit sa akin.
"Jayson psst, pengeng papel." bulong ko pero ngumisi lang ang mokong. Tangina ngayon pa ata mang aasar ang gago.
"Payag ka munang makipag date sa akin." kumindat pa ito. Inirapan ko ito at ngumisi.
"Ang damot mo parang di ka naman mayaman niyan." pang aasar ko. Ngumisi lang ito at hindi na siya pinansin. Aba!
"Kaya ka hindi sinasagot ni Arlene eh, ang damot kasi." dagdag kong asar, akala mo ha! Sumimangot ito at padabog na binigyan ako ng papel. Malaki naman ang ngiti ko.
"Yown! Thank you mwa!" nag flying kiss pa ako para mas lalo itong tuksuin pero napaigtad ako dahil dumagundong ang boses ni sir Magnus.
"Ms. Avila! What are you doing?!" baritono nitong saad. Napanguso ako at tumingin sa kaniya. Umiigting ang panga nito, mukhang galit.
Mahina lang kaya yung boses ko!
Bulong ko. Kasii namannn nanghingi lang naman ng papel hmp!