"Teka! Teka! Teka! Hindi mo totoong anak si Veronica dahil anak siya ng kaibigan mo? Dahil nag cheat sayo ang asawa mo? Tapos matagal na? Tapos ngayon mo lang nalaman? Tapos kaya ka nandito? Sa bahay namin dahil nalaman mong anak mo ako? Kailangan mo ng tagapagmana sa yaman mo?" hinihingal ako ng matapos magsalita. Tumango naman siya ng bahagya kaya napasinghap ako. Late reaction yan? "Ang kawawa mo naman pal— aray ko nay!"bulalas ko ng kinurot ako sa gilid ni nanay. Pinandilatan niya ako ng mga mata pero inirapan ko lang siya. "Paano kung hindi ka namin tanggapin? Hindi kita bigyan ng chance para maging tatay ko?" tanong ko. Umayos naman siya ng upo. "Hindi ako titigil, Pearl Andrea. I'll do everything... lahat ng pwede kong gawin para makita mong sinsero ako sa sinasabi ko." des

