Lantang lanta ang katawan ko ng makasakay ako ng jeep pauwi sa amin. Ang dami ko pang dalang folders habang nakikipagsiksikan sa loob ng jeep. Nalukot ang mukha ko ng maka amoy na naman ng anghit. Putangina naman oh! Hindi ko alam saan galing iyon pero tinakpan ko nalang ang ilong at paminsan minsan ay pinipigilan ko ang paghinga. Ayoko ng makipag away pa dahil ubos na ang energy ko sa trabaho! Gusto ko na lang humilata sa higaan namin! Hayss! Mabuti na lang at mabait na ang napalit na HR head namin last week kaya kampante na akong walang manyak sa floor namin. Madami nga lang demonyita! Nangunguna sa listahan si Alyssa na feeling boss! Shuta! Siya nga ang dahilan kung bakit palaging tambak ang trabaho ko eh. Nakakainis! Dahil sa ginagawa niya ay gumagaya na din ang ibang r

