ANDRIUS' POV "Kapal talaga ng mukha mong demonyita ka! Nagpunta ka pa talaga dito!" galit na sigaw ni Perla. "Love! Hey, hey.." agad na dumalo si Magnus kay Perla pero hindi siya pinapansin ng asawa niya. "Andrius! Help Marga! Perla stop i—" "Tumahimik ka tanda! Isa ka pa eh alam mo kasalanan mo talaga to! Alam mo bang inuuto ka lang ng babaeng to ha? Mabait ang kaibigan ko pero ako, hindi! tangina mo!" nanlilisik ang mga mata ni Perla at umuusok ang ilong. Natahimik si Abuelo sa aking tabi habang si Magnus ay nasa likuran lamang ng asawa niya at hindi na pinipigilan si Perla sa ginagawa. Patuloy sa pagsigaw at pag iyak si Marga pero wala ni isa sa amin ang tinulungan siya. Ayaw ko din. Pinangako ko ng hinding hindi na lalapat ang kamay ko sa kahit dulo ng buhok ni Marga. Natatara

