PERLA'S POV Tanghali na ng magising ako at wala na sa tabihan ko si Magnus. Napangiti ako ng maalala ang mga ganap kagabi. Bumangon ako at kinapa ang mukha at mata. Siyempre baka may muta! Nag inat inat na din ako habang nakangiti. Shet! Ang ganda ng gising ko ngayon! Thank you lord! Narinig ko ang lagaslas ng tubig sa banyo, malamang si Magnus iyon. Inayos ko na lamang ang aking buhok at sumandal sa head board ng kama. Para akong tanga habang binabalikan ang mga nangyari kagabi. Pagkatapos naming maka tatlong rounds ay bumaba ulit kami at nagpunta sa party. Hanggang 12am lang naman at nagsiuwian na ang mga bisita namin. Plano nga sana naming ihatid si Alexa dahil siya talaga ang sobrang lasing kagabi pero dumating si Andrius at siya na ang nagpresintang maghatid sa kaibigan ko. M

